Advertisers
Kalaboso ang itinuturong taga-kolekta ng pera ng New Peoples’ Army (NPA) nang hingian ng pera ang isang mayoral candidate sa Sultan Kudarat kapalit ng kalayaang maka-kampanya para sa darating na halalan.
Kinilala ang suspek bilang si Toyang Sikel Sanong, 32-anyos.
Ayon sa ulat, tumulong ang ilang mga lokal na opisyal sa lugar upang madiskubre ang ilegal na aktibidad ng NPA at maihanda ang entrapment operation kung saan nahulog si Sanong noong Biyernes.
Sa gitna ng operasyon, huli sa akto si Sanong na tumanggap ng P20,000 mula sa kinatawan ni Ronan Eugene Garcia, na tumatakbong alkalde sa bayan ng Kalamansig sa nasabing lalawigan.
Si Sanong umano ay tauhan lamang ni Kas Cielo Dela Vega, isang opisyal ng NPA na humingi ng pera mula kay Garcia para malaya itong kumampanya sa lugar.
Hindi umano si Garcia ang unang kinunan ng pera ni Sanong.
Ayon sa ulat, nakakolekta na rin ito ng kwarta mula sa mga magsasaka at may-ari ng mga negosyo.