Advertisers

Advertisers

5 Pulis sugatan sa ambush

0 332

Advertisers

Sugatan ang limang pulis nang tambangan ng mga bandidong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Kandeda, Purok Uno, Barangay Bi-ao, Binalbagan, Negros Occidental nitong Pebrero 13, 2022 ng umaga.

Ayon sa report, magsasagawa sana ng imbestigasyon ang kapulisan ng Binalbagan Municipal Police Station sa pangunguna ni PLt Charles Richard Casalan, Deputy Chief of Police, ukol sa natanggap na report na may nakitang bangkay sa Sitio Nursery Brgy. Bi-ao, subali’t tinambangan sila ng mga armadong grupo.

Sa ulat, apat na land mine ang itinanim sa ambush site at dalawa sa mga ito ang sumabog. Tinatayang nasa 12 rebelde ang humarang sa daanan at nagsagawa ng pananambang.



Samantala, ligtas namang naihatid ang limang sugatang pulis sa hospital habang patuloy pang iniimbestigahan ang mga pangyayari.

Mariin namang kinondena ni Prosecutor Flosemer Chris Gonzales, Spokesperson ng Regional Task Force 6 – ELCAC ang CPP-NPA-NDF sa nangyaring pananambang at hinimok ang mga residente sa buong isla ng Negros Occidental na tumulong at makipagkaisa sa pamahalaan sa pagsugpo sa mga bandidong rebelde at sa layunin nitong tuldukan ang terorismo sa bansa.



Ang pambansang pulisya, hindi tumitigil sa kampanya nito laban sa pagsugpo sa terorismo at hinihikayat ang publiko na magbigay impormasyon sa mga gawain at aktibidad ng mga rebeldeng grupo kung meron man sa kanilang mga lokalidad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">