Advertisers

Advertisers

Babaeng alkalde sugatan sa ambus

0 359

Advertisers

SUGATAN ang alkalde ng Infanta, Quezon nang tambangan ng mga hindi pa kilalang mga salarin bandang 11:15 ng umaga nitong araw ng Linggo sa Rizal St., Poblacion 1, ng nabanggit na bayan.

Kinilala ang biktima na si Mayor Filipina Grace America, nasa hustong gulang at kasalukuyang kandidato sa pagka-alkalde sa kanyang ikalawang termino.

Batay sa inisyal na report ng Infanta Municipal Police Station galing sa simbahan ng Disciple Church ang biktima at pauwi na ng kanilang bahay ng harangin ng mga hindi kilalang mga salarin at pinaulanan ng sunod sunod na putok ng baril ang sasakyang Chevrolet Trail Blazer SUV kulay itim na may plakang SAA 1670 na minamaneho ng isang Alvin America.



Nagtamo ng sugat sa braso ang biktima ng matapos tamaan ng bala at agad dinala sa Claro M. Recto Hospital para gamutin.

Mabilis naman tumakas ang mga salarin matapos ang ginawang pamamaril patungo sa ‘di pa tukoy na direksyon.



Narekober sa lugar ng crime scene ang pitong (7) piraso ng bala ng di pa batid na kalibre ng baril.

Nakatakda naman ilipad ang biktima para mailipat sa ibang ospital sa Maynila ayon kay Governor Danilo Suarez.



Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung may kinalaman sa trabaho ng biktima bilang mayor ang nangyaring ambus at ang mga pagkakakilanlan ng mga posibleng suspek sa bigong pamamaslang. (Koi Laura)