Advertisers

Advertisers

Sa ‘di pagdalo sa debate: Marcos ‘mahinang pinuno’ – Duterte

0 495

Advertisers

Ang pagtanggi ni Ferdinand Marcos Jr. na dumalo sa mga debate sa pulitika bago ang halalan, nagpapatunay lamang sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi karapat-dapat ang dating senador na maging pangulo.

“[Marcos Jr.’s] non-appearance and non-presentation of his platform only reinforce the narrative that he is indeed a weak leader,” wika ni senatorial candidate Teodoro “Teddy” Brawner Baguilat, Jr.

Tumatakbong senador si Baguilat ngayong Mayo sa ilalim ng tiket ng pinakamalapit na karibal ni Marcos na sina Vice President Leni Robredo at Senator Francis “Kiko” Pangilinan.



“If [Marcos Jr.’s] handlers and trolls are applauding the move as a brilliant smart strategy, they better think twice because the old man in Malacañang is thinking otherwise,” said Baguilat.

Noong Lunes, hiniling ni Marcos sa Commission on Elections at sa iba pang kandidato sa pagkapangulo na talakayin muna ang format ng debate bago ang debate ang Comelec-sponsored debate.



Nauna nang inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez na dadalo ang lahat ng kandidato sa pagkapangulo, kabilang si Marcos Jr., sa presidential debate na nakatakda sa Marso 19.

Ngunit nilinaw ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, Jr., na makokumpirma lamang ang pagdalo ng kanyang kandidato, “if his hectic campaign schedules permit.”



Sinabi ni Baguilat, na ang hindi pagdalo ni Marcos, Jr. sa mga debate na hindi ito nagkakaroon ng pagkakataon na ipaliwanag ang mga paratang na ibinabato laban sa kanya.

Sinabi ng opposition senator na ang isang positibong bagay na ginawa ni Duterte noong tumakbo ito noong 2016, hindi tulad ni Marcos Jr., na dumalo si Duterte sa lahat ng mga pambansang debate sa kabila ng kanyang katanyagan ilang buwan bago ang botohan.

Nanawagan si Baguilat sa iba pang sektor at sa media na mag-organisa ng mas maraming debate para magbigay ng plataporma para sa voter’s education at kontrahin ang mga maling salaysay na bumabaha sa social media.

“The pandemic has denied us full access to information in the real world and forced us to rely on news streamed through social media platforms that have been compromised,” wika nito.

Sinabi ni Baguilat na ang mga debate, bagama’t kung minsan confrontational, ginagawa nitong magkaisa ang mga kandidato sa ilalim ng iisang bubong para masuri ng publiko, “but the standard-bearer of the so-called UnitTeam opted to steal his seat away from the presidential table.”