Advertisers
UMALMA ang mga motorista sa Region 3, partikular sa lalawigan ng Tarlac ang ginagawa ng mga kawani ng Land Transportation Office (LTO) pahirap at magastos na proseso ng pagpaparehistro ng kani-kanilang mga sasakyan.
Sa reklamong natanggap ng grupo ng Alagaan natin Kalikasan President Jun Evangelista, masyadong pasakit ang hakbang ng LTO dahil sa halip na 350 lamang ang babayaran sa Private Emission Testing Center (PETC) hindi umano ito tatanggapin ng LTO at kanilang ituturo na magparehistro sa Private Motoring Vehicle Inspection Center (PMVIC) na kung saan aabot sa 600 to 800 ang babayaran ng magpaparehistro, samantalang parehas lamang naman ang proseso na gagawin.
“Tanong tuloy ni ANI Kalikasan President Evangelista”, magkano at inoobliga nila na papuntahin sa PMVIC ang mga magpaparehistro ng sasakyan?
Sa text message, sinagot ni Capas Tarlac LTO Chief Amalia Siguia ang tanong na ito ng mga motorista, anya, baka recommendation ng kanilang inspector for roadworthiness, kasi sa PMVIC daw mas makikita ng buo ang sasakyan, kung ikukumpara sa office nila sa LTO dahil visual lang or sisilipin lang ang buong sasakyan.
Pero sa memorandum na inilabas ng Department of Transportation under Secretary Artemio Tuazon, nakasaad dito na tanging visual or sisilipin lang ang sasakyan ang gagawin ng LTO, walang kautusan ang DOTr na ireject ang mga sasakyan kung galing sa PETC at obligahin ang may-ari ng sasakyan na magpunta sa PMVIC.
Ang PETC at PMVIC ay parehas lang ang proseso ng pag-renew ng mga sasakyan na dadaan sa emission at i-check ang sasakyan kung talagang roadworthiness ito, ngunit dahil sa mas mahal ang singil ng PMVIC na emission lang din naman ang ginawa.
Ayon sa Republic Act (RA 8749) private emission testing lang ang mandatory bago magparehistro ang mga sasakyan. Kung mag-conduct man ng emission test ang mga PMVIC ito ay ilegal at lumalabas na nilabag nila ang DOTr Department Order 2016-020 na nagsasabing may moratorium na ang pagtatayo ng emission center.