Advertisers
Sugatan ang dalawang katao nang managa ang tatlong lalaki na armado ng machete sa isang polling precinct sa bayan ng Saguiaran, Lanao del Sur nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ang mga sugatan na sina Naim Rasdie Macunte, empleyado ng Saguiaran municipal government; at Salman Acmad.
Nasa Maito Basak Elementary School sa Barangay Maito Basak ang mga biktima nang umatake ang mga salarin.
Agad silang itinakbo sa Amai Pakpak Hospital sa Marawi City.
Samantala, nagkasa na ng manhunt operation laban sa mga salarin na sina Jamil Azis, Mocsir Azis at Samroden Riga.
Sa report, mga supporter ng mga incumbent reelectionist official ang mga biktima habang ang mga salarin kaalyado ng kandidato sa pagka-mayor na kalaban ng kasalukuyang municipal chief executive.