Advertisers

Advertisers

Bangka lumubog: l 7 katao nasagip

0 244

Advertisers

Nasagip ng mga elemento ng Joint Task Force Tawi-Tawi (PM) ang pitong katao na susundo sana sa mga escort at tauhan ng ng Borad of Election Inspector at Vote Counting Machine (VCM) ng lumubog ang kanilang sinasakyan bangka sa Tawi Tawi noong Linggo.

Kinilala ang mga nasagip na sina Nurkaiza Maduid, 42; Nadania Aripin, 31; Sherie Abdulasan, 52; Arzaida Monteron, 33; Apra Tuanpanis, 12; Omar Tuanparis, 29; at Sadeeq Taunparis, 30, na pawang taga Barangay Lamion Bongao Tawi Tawi.

Ayon kay 2nd Marine Brigade commander Brig. Gen. Romeo Racadio, 2nd Marine Brigade Commander, ang nasabing grupo ang susundo sana sa mga personnel at escort ng Board of Election Inspector (BEI) at VCM sa Lato Elementary School nang lumubog ito sa karagatan sakop ng Brgy Lato-Lato Tawi -Tawi



Napapatrolya ang mga karagatan sakop ng Brgy. Lato-Lato ng mapasin ang pag-flash at distress light signal sa karagatan kaya’t agad na nilapitan upang alamin ang pinagmumulang ng signal ng makita ang nakataob na bangka at mga nakakapit na mga biktima.

Dinala ang mga biktima sa headquarters ng 82nd Marine Corps sa Lamion Wharf at isinailalaim sa medical check-up kung saan nasa mabuting kalagayan ang mga ito bago iturn over sa kay Brgy Kagawad Midzfar Haradji ng Brgy. Lamion.



Hinala ng mga otoridad na posibleng overloading ang sanhi ng paglubog ng bangka.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">