Advertisers

Advertisers

Mag-asawa patay sa ambush

0 357

Advertisers

PATAY ang mag-asawa habang sugatan ang dalawa pa nilang kaanak nang tambangan at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan, Miyerkules ng tanghali sa Basilan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Omar Manasal, 37, asawa nitong si Nurmina, 39, habang sugatan sina Sandra Manasal, 45, at Benhad Manasal, 44, , pawang mga residente sa Barangay Bagbagon, Lantawan, Basilan.

Sa report ng Lantawan Municipal Police Station, 12:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa Barangay Matikang ng nasabing bayan.



Lumabas sa imbestigasyon, sakay ang mag-asawang Omar ng tricycle habang motorsiklo naman sina Sandra at Benhad pauwi sa kanilang tahanan.

Habang binabaybay ang naturang lugar bigla na lamang silang hinarang ng anim na armadong kalalakihan at pinaulanan ng mga bala ng baril.



Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon .
Dinala naman sa ospital ang mga biktima subalit nalagitan rin ng hininga ang mag-asawa Omar at Nurmina habang patuloy naman ginagamot sina Sandra at Benhad.

Nabatid na ang mag-asawa nasawi supporters ng nanalong mayor at vice mayor sa naturang bayan sa katatapos lamang na national elections.



Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen kung may kinalaman sa eleksyon o personal na alitan at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito.