Advertisers

Advertisers

Zulueta dumating na sa Thailand

0 55

Advertisers

DUMATING na sa Thailand ang undefeated na si John Michael”Striker” Zulueta ng Negros Occidental, Huwebes bago ang kanyang May 14 comeback fight laban sa Indonesian Jack Amisa sa RCA Plaza sa Bangkok.

“My opponent is a veteran fighter but I’m not taking him for granted,” Wika ng 26-year-old Zulueta, na walang talo sa 13 fights na may 4 knockout wins at two draws.

Ang kanyang katunggali na Indonesian ay 35 years -old at may 73 professional bouts na may 21 wins, 49 losses at 3 draws.



Sulueta, sa gabay ni dating Games and Amusement Board chairman Juan Ramon Guanzon, ay dumating sa Bangkok kasama ang trainer Nelson Arellano.

Kasalukuyang may timbang na 112 pounds, mas mabigat ng four pounds sa flyweight limit.

“I will do my best to win,” Tugon ni Zulueta, na kamakailan ay nakipag-sparring kina Rodel Sioco (4-0, 2KOs) at Ricky delos Santos (2-1-0) sa Bacolod.

Sa kanyang huling laban, Pinasuko ni Zulueta si Mark Anthony Florida ng Bukidnon sa fourth round para masikwat ang bakanting ABF light flyweight title at bakanting International Boxing Federation Asia light flyweight crown noong september 7, 2019 sa Taguig,City.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More