Advertisers

Advertisers

Puso… Laban!

0 2

Advertisers

Narinig na natin yan na battlecry noong unang hinawakan ni Pido Jarencio ang UST Growling Tigers. Kampeon sila sa UAAP.

Yan din ang sigaw ni Coach Chot Reyes nang siya pa mentor ng Gilas Pilipinas.

Ngayon naman yan ang komento ng mga Pinoy sa game ni tennis sensation Alex Eala lalo na sa ipinakita niyang husay sa Wmbledon sa England. Umabot sa quaterfinals at nafaig pa niya huling reyna ng torneo.

Sa wikang Ingles ay heart of the game ang salin. Ito mismo ang titulo ng pitak ni Commissioner Edward Hayco ng Philippine Sports Commission. Tuwing Lunes natin ito mababasa sa tabloid na People’s Tonight.

Nabatid natin sa opisyal ng PSC na kaya sila humanga ng husto kay Mayor Leni Robredo ng Naga ay dahil mula sa puso magtalumpati.

“Walang binasang speech at alam niya ang mga pangalan ng mga taong namamahala sa sports program ng lungsod, ” eka ni Hayco.

***

Napansin nyo bang halos lahat ng sapatos ng mga player sa FIFA World Cup ay kulay rosas?

Hindi naman po sila mga kakampink o maka-Leni.

Sinadya lang ng mga shoe brand na pink ang pinakabagay sa green grasz court ng torneo.

Opo matapos ang masususing pag-aaral ay nagpasiya ang pamunuan ng Nike, Adidas at Puma na itong hue ang gamitin.

Mas matingkad kasi ang kanilang mga produkto sa mga audience.

***

Dalawa sa mga sikat sa mundo ng sports ngayon ay mga proud Catholic.

Ayon kay Alex Eala ay parati siyang may dalqng rosaryo sa bag kahit sa mga match niya.

Ire namang si Lionel Messi ng Argentina na kasalukuyang naglalaro sa World Cup ng FIFa ay parating nagsa-sign of thw croas sa bawa’t goal na maiskor niya.

***

Sa mga hindi nakakuha ng slot sa gaganaping Angat Bayanihan Run sa July 19 sa,Ayala Triangle ay huwag mag-alala.Napakabilis kasi nagsara ang online registration. Kahit nagdagdag na ng bilang ay hindi pa rin sapat.

Kahapon nakausap natin mismo ang Executive Director ng Angat Buhay na si Raffy Magno at heto good news niya sa,lahat.

Pangako niya ay magkakaroon pa ito ng mga edisyon sa ilang piling probinsya

” May inihahanda rin tayong takbuhan sa Naga sa CamSur, Iloilo at isa pa sa taong ito, ” wika ni Raffy.