Advertisers
ALAM nyo bang may something in common sina Richard Lim at Paolo Tancotian?
Kapwa sila lider ng national sport association (NSA) at kapamilya ng Philippine Olympic Committee (POC) na pinamimunuan ni President Abraham “Bambol” Tolentino, pareho silang suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) sa liderato ni Chairman Patrick “Pato” Gregorio sa pinansiyal na aspeto,
Ang kanilang NSA ay parehong martial arts o combat sports,
Karate ang kay Richard Lim habang Sambo naman kay Tancontian. Katatapos din ng kanilang ini-host na dambuhalang International championship na nilahukan ng sports powerhouse nations mula Asia , Europa at America. Nagpakitang-gilas ang kani-kanilang mga pambatong atleta at umani rin ng mga medalya para na Pilipinas.
Milyones ang pondong nagasta para sa pagiging punong-abala na ang ganansiya ay karanasan, kakayahang mag-host at pasiglahin ang Sports Tourism.
Fully coverage sila ng foreign at local sports media partikular ang PSC-POC Media Group na full force ang blow-by-blow ng pagkober sa ilang araw na kampeonato kahit tingnan nyo pa ang attendance araw-araw.
Pareho ba silang TFYC (Thank You For Coming o Thank You For Covering)?
‘Di Naman siguro nakakaLIMot si Ricky at alam ni Tancotian yan… ABANGAN!!!
***
NASAAN ANG PINAGAWANG MOTOR?
IPINARATING sa UPPERCUT ang mistulang bangungot ang karanasan ng isa nating suki sa POLICE FILES Tonite Newspaper.
Si JPP ay isang kawani ng kumpanya sa Sta. Mesa kung saan kanyang kanyang hinuhulugang motorsiklo ang gamit niyang pampasok sa trabaho.
Nagkaroon ng problema ang kanyang motor kaya ipinagawa niya ito sa isang motor shop sa Mandaluyong.
Dahil mayroong ‘di inaasahang problemang pampamilya sa kanyang lalawigan ay natagalan bago niya kunin ang pinagawang motorcycle (HONDA).
Pero laking gulat niya noong kanyang kukunin at babayaran ang pagkumpuni ng motor, ang sinabi sa kanya ng may-ari ng talyer na inabandona nila ang motorsiklo sa kalsada at ‘di na alam kung Towing o Tao ang kumuha nito dahil nakakaabala na raw ang motor sa kanilang pwesto .
Hanep ang palusot ng may-ari ng shop at siya pa umano ang galit sa customer dahil sa matagalang pagkuha ng pinakumpuning motorsiklo.
Mukhang me sariling bend the law ang me ari ng shop. Imagine, ‘pag ‘di nakuha agad ang pinagawang unit ay iaabandona ito o kaya’y ibinenta ng sinuman.
Mamang shopowner, kargo n’yo ang ipinagawang motor at sagutin kapag nawala ito.
Simpleng batas lang yan kaya pananagutan n’yo ang unit na nawala sa puwesto n’yo kung totoo ngang nawala ayon sa inyong pagkasabi kay JPP.
Mga ka-Uppercut, sino mang makakakita ng nawawalang Winner X Red with plate# N283BW ay ipagbigay alam sa Barangay IBABA sa Mandaluyong na sumasakop sa naturang talyer. MISMO!