Advertisers

Advertisers

NAHAN PAGKATAPOS NG HALALAN

0 1,822

Advertisers

SIMBILIS ng mahika ng bilangan sa halalan ang paglaho ng pambato ng Inutile gayong hindi pa nasisimulan ang opisyal na bilangan sa pagkapangulo at sa pangalawang pangulo. Madalang pa sa patak ng ulan ang paglabas sa media ngunit patuloy ang paghahasik ng mga trolls sa mahuhusay kunong video clippings hinggil sa pagkatao nito. Subalit dumalan ang paglitaw ni Boy Pektus sa mga media coverage sa ‘di malamang dahilan o sadyang ipinamumukha na madali itong lapitan ng kakampi ngunit hindi ng karaniwang tao na may pangangailangan. Batid ba ni Boy Pektus ang mga krisis na kinakaharap ng bayan na gawa ng ama ng kasamang pangalawang pangulo, na si Totoy Kulambo. Masasabing mabigat ang dugo ng Dabaweno kay Boy Pektus dahil sa batid ang likaw ng pagkatao o dahil sa pagkabigo na makumbinsi ang anak na tumakbo sa pagka pangulo, ngunit pumailalim sa anak ti batak.

Sa ngayon tila bihirang masilayan si Boy Pektus, sa halip si next question este Vic Rodriguez ang madalas na humaharap sa mga mamamahayag hingil sa mga balakin ng papasok na pamahalaan. Nariyan ang mga balita hingil sa ilang napupusuang maging gabinete ngunit ayaw sagutin ang mga tanong hingil sa mga usapin legal na kinakaharap ng pamilya ni Boy Pektus. Mailap pa sa manok na labuyo, ang mama sa hindi pagtugon at next question please. Sa ngayon, maraming manghahalal nito’y nag-aabang ng kung anong kaganapan pagkatapos ng halalan ang inihahanda ng kampo Inutile. At kung naghahanap ng kaganapan, nariyan na lalo sa employed sector na silipin ang pay slip, makikita ang karagdagang pabigat na inatang ng PHILHEALTH sa bawat balikat ninyo, ang pagtaas ng premium na halos isang daan porsyento ang itinaas. Kasing bilis ng bilangan sa halalan ang pagtaas ng babayarang premium na nagsimula isang araw pagkatapos na pagkatapos ng halalan. Ang mabigat nito retro active mula Enero ng kasalukuyang taon ang bayarin gayung walang dagdag na benepisyo sa mga kasapi oras na magpagamot sa mga hospital. Pero nasaan si Boy Pektus, batid ba ang usaping ito na itinarak ng Inferior Dabaw Group sa taong bayan. O sadyang inilihim ni Totoy Kulambo at ng PHILHEALTH ang usapin upang ang susunod na administrasyon ang magpaliwanag.

Isang lingo pagkatapos ng halalan, maraming nagtatanong sa baba kung anong nangyari sa Inutile na tila nakalimutan ang victory party para sa mga taong inasahan, sumugal at nakipag away pa sa katungali. Wala nang narinig na gagawain upang magsaya sa napipintong panalo. O sadyang tapos na pagganap at kailangan ng magtrabaho sa dami ng problemang kahaharapin. Ngunit bakit ganun, ang mayayamang negosyante’y nakaharap na sa isang piging si Boy Pektus kasama ang bayaw kung saan ang halaga ng isang boteng red wine o champagne ay umabot ng P51K, at tila nakarami at napakasarap pa ng tawanan. Hindi lang iyan, may mga naglabasan sa social media na may victory party ang campaign group/s ng Inutile na gagawin sa Amanpulo, na isang exclusive beach destination. Alam ba ni Mang Juan ang halaga ng burger sa lugar na iyon, tumataginting na P2,000+ at ang turon P700.00 lang naman, ano masabi mo Mang Juan?



Hinahanap pa rin ni Mang Juan si Boy Pektus dahil mukhang si next question ang madalas makita sa media at social media. Tila dito naka atang ang paglalabas ng mga ulat mula sa halalan. Sa usapin ng mga itatalaga, si next question ang naghahayag ngunit ng dati hindi tuwiran ang pagsasabi nito. Sinasanay na ang media at bayan sa ayos na ito ng hindi hanapin ang pala liban na presumptive president, daw oh. Subalit hindi maikubli ng bayan na hanapin ang dating pala labas na kandidato na tila mag-iiba ng ngiwi este gawi dahil sa COMELEC. Walang duda na dadalan ang paglabas sa mga panayam dahil nakuha na ang kailangang makuha. Kaya kasehoda ang bayan, kailangan ko ng oras para sa sarili. O’ mistulang upos na kandila na si Mang Juan na wala ng liwanag. Tapos na ang silbi ng boto sa mga oras na ito na batid na kinalabasan ng halalan, at ito na ang sitwasyon sa kasalukuyan.

Sa ngayon walang nauulinigan ang mga ka Inutile hingil sa victory party na ginawa ng kalimbahin sa ngalan ng thanksgiving na ginanap sa Ateneo. Sa halip naka focus kuno ito sa mga usapin ng pagtatalaga ng mga maaring maging bahagi ng grupo ng magpapalakad ng bansa. Subalit ang masakit nito, may mga usapin na hindi na naka paghintay at ipinagalaw na ng IDG kahit tuwiran ang epekto sa kabuhayan ng bayan. Sa takbo ng kaganapan, tila inuuna ng mga grupo ni Boy Pektus ang bayad sa mga taong nakasama sa laban at saka na lang ang para sa bayan. Nariyan ang mga umuugong na pangalan na kung saan itatalagang kagawaran, subalit tahimik at walang pumansin sa inilabas na pagtaas ng premium ng Philhealth. Ito ba ang serbisyong para sa 31M manghahalal at sa taong bayan. Ang hirap nito, may pambulag na balita na inilabas, ang pagtaas kuno ng sahod ng mga obrero upang matakpan ang premium increased ng Philhealth.



Sa totoo lang, mas maingay ang mga nasa kabila ng bakod ng politika. Nariyan na pinag-uusapan na kailangang magmasid sa mga kaganapan sa maaring gawin ng pamahalaan ni Boy Pektus sa pagpasok nito. Marami ang nababahala lalo ang makabayang mamamayan dahil tila lumalakas ang loob ng mga kasundaluhan maging ng kapulisan sa pagbibigay tawag sa mga kontra na mga pulahan. Walang kulay kulay basta sa kabutihan ng bayan, ngunit narito at dama ng bayan ang takbo ng palakad ng papasok na pamahalaan. Tila ‘di maalis sa isip ni Mang Juan ang karanasan sa nakaraan. Sinisimulang supulin ang mga pagtitipon na nagaganap sa kasalukuyan ng hindi tumaas ang kamalayan ng nakakarami. Sa totoo pa rin, marami ang nahihiwagaan sa kinalabasan ng halalan na hindi kumilos ang dami ng bumoto kay Leni kumpara sa 2016, gayung nagtrabaho ito ng anim na taon bilang abalang pangulo. Ngunit ang hindi pagkilos ng darating na pamahalaan sa usapin na malapit sa puso at kalusugan ng bayan ang maagang pinalagpas ng presumptive president ng binulag ito ng grupo ni Totoy Kulambo. O sadyang minamaliit ito ng papatapos na gobyerno..

Mang Juan, huwag ng hanapin ang mga nanalong grupo na tila lasing sa tagumpay at ayaw ng humarap sa bayan dahil naganap na ang kagustuhan. Ang mga nasabi noong kampanyahan na pagkakaisa’y tila taliwas sa kinikilos na inuuna ang pang-iisa. Sa social media, lumabas ang pakiusap ng ina ni Boy Pektus sa Bangko Sentral na mahiram ang Tiara para magamit sa panunumpa ng anak. Ang pagpaparamdam ng mga crony ng dating pamahalaan na ibig muling makabalik ang lakas ng negosyo. Ang mga nakitang mga mahahalagang pinta ng mga sikat na painter sa tahanan ng dating unang ginang ay tila pwede na naman. Ang pagbibigay daan sa mga kaalyadong politiko sa mababang kapulungan ng kongreso. Ngunit nagtetengang kawali sa paghahanap ni Mang Juan sa nanalo sa panguluhan na maririnig, next question please. Nahan si Boy Pektus, may mahahalagang kaganapan na maaring kilusan, makipag-usap sa kasalukuyang pamahalaan ng ibalato sa kanila ang mga usapin na may tama sa kabuhayan ni Mang Juan. Nahan na ang nanalo, huwag maging mailap sa taong bayan.



Maraming Salamat po!!!