Advertisers

Advertisers

Cavite Gob Remulla nagbunyi sa landslide victory mga pergalan nagbunyi rin sa R 4-A

0 251

Advertisers

BAGO tayo magsimula sa ating issue ay nais batiin ng Usapang Hauz si Cavite Governor Jonvic Remulla at kanyang mga kasama na pawang nagsipagwagi sa katatapos lamang na May 9 2022 Local at National Election, take note land slide victory lang naman kaya Congratulations Gob Mabuhay!

Eto na ang siste mga Ka Usapang HAUZ habang nagdiriwang sa pagkapanalo si Gob Jonvic sampu ng kanyang mga kapartido eh nagbubunyi rin ang mga ilegal na sugalan sa lalawigan ng Cavite partikular ang mga Peryahan na ang permit ng mga ito ay mga rides at iba pang mapaglilibangan.

Sinasamantala ng mga may-ari ng pergalan ang pagiging busy ng mga nagsipagwaging kandidato na hanggang sa ngayon ay lasing pa rin at tila may hangover pa sa pagkapanalo kaya “No pansin” na ang reklamo ng kani kanilang constituents na naadik sa pergalan.



Maging ang tagubilin ng DoH (IATF) ng ibayong pagiingat kahit ibinaba na sa Alert Level 1 ay wala na ring paki-alam ang mga pergalan dahil sa siksikan ang mga mananaya sa mga drop ball, color games at iba pa ang masakit pa nito halos hindi pa nakakabangon ang mamamayan dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa bagay mga Ka Usapang HAUZ para sa mga LGU ay out na sila sa nasabing usapin pagdating sa peace and order dahil andyan naman ang Sangkapulisan eh paano kung nakiki-selebra rin sila sa pagkapanalo ng mga nagsipagwaging kandidato imbita dito imbita duon ang resulta masaya ang pergalan.



Pero bago pa lumayo ang usapang ilegal na sugalan sa lalawigan ng Cavite ay nananawagan ang mamamayan kay P/Col. Arnold E. Abad ang Provincial PNP Director na umaksiyon sa matagal ng reklamo sa mga pergalan, oh baka naman alam nyo na hayahay na ang buhay?

Para sa kaalaman ni PD Col Abad sa bayan ng Naic isang alias John-John ang siyang may kopo ng pergalan habang sa Rosario ay si Egay ang namamahala, Noveleta ang mag partner na Noemi at Mely sa Lungsod naman ng Imus aba’y dagsa ang mga puwesto ng pergalan sa brgy. Bagong Kalsada pinamumunuan naman nila Manny at Alma, isama na rin ang brgy. Malagasang Uno hamak naman ni alias Bong.



Ups muntik ko namang makalimutan ang txt message sa atin na may numerong 0906-271_ _ _ _ at ng ating beripekahin ay positibo nga na sa boundery ng bacoor at Zapote ay may untouchable pergalan na binabantayan ni Kenneth, isama na rin natin ang brgy Lancaster sa General Trias City sa lalawigan pa din ng Cavite hindi lang nabanggit kung yung Egay na nasa Rosario ay siya ring Egay rito ay iisa.

Tutal nandito na rin lang tayo mga Ka Usapang HAUZ sa usaping ilegal gambling tuluyan ng pinasara ng Pangulong DU30 ang kinababaliwang E-Sabong at hayun may ilan-ilan pang nag gerilya operation kaya ang resulta timbog sa PNP CIDG, may isang pwesto ng pergalan sa brgy. Langkiwa sa Binan Laguna na isang alias Rodel Macalindog ang tinatawanan lang ang abiso ng Laguna PNP dahil bagyo umano ito kay P/ Gen. Antonio Yarra ang PNP Region 4-A director kabilang na rin ang pwesto pijo ni Judith sa Balibago.

May nakapag bulong sa atin na dahil sa daming mas importanteng gawain sa Region 4-A ay halos hindi na napapansin pa ni P/Gen Yarra ang mga bagay na usaping ilegal gambling at ang mandato nito ay ipaubaya sa mga PNP provincial director kung kaya’t bilin na bilin nito na agarang aksiyon sa mga reklamo.

Kung tutuo ngang bagyo itong si Macalindog at Judith kay RD Yarra ay malamang walang bagyo bagyo kay PNP Chief OIC Gen. Vicente Danao na alam naman nating galit ito sa mga ilegal.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036