Advertisers

Advertisers

Heart nagtapat, nagkaroOn ng one-night stand

0 342

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA isang interview ni Sharon Cuneta, ibinahagi niya kung bakit bumibilang na ng maraming taon ang pagkakaibigan nila ni Regine Velasquez- Alcasid pati na ng asawa nitong si Ogie Alcasid.
Ito’y sa kabila ng hindi sila madalas nagkikita at personal na nagkaka-bonding, lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Sabi ni Sharon, “Kasi ang bahay niya, parang kapag nagpunta ako at kapag nagpunta siya sa bahay ko parang excursion dahil sa traffic. Quezon City siya, ako Makati.
“Kami ni Regs, although yun na nga, may kalayuan yung mga bahay namin, hindi kami nawawalan ng communication.
“Kahit hindi every day or every week, kasi pag nag-love ka ng tao tapos sinuklian ka tapos nakita mo lalo yung pagkatao, lalong lumalalim. Lalo siyang napapamahal sa akin as times goes by.”
***
NAG-ENJOY kami ng kaibigan at kasama sa panulat na si Melba Llanera sa guesting namin sa Maritest segment ng Lunch Out Loud (LOL) ng TV5 na napapanood ng tanghali mula Lunes hanggang Biyernes.
Si Aubrey Miles ang celebrity contestant that time at kami ni Melba ay kasama sa grupo ng Hanash ni Manash.
Nakakatuwa ang segment na ito na parang Who Wants To Be A Millionaire? Ang question ay about showbiz at kapag hindi alam ng celebrity contestant ang sagot ay sa amin siya hihingi ng tulong.
Pero hanga kami kay Aubrey dahil halos alam niya ang sagot. Hindi na nga lang niya itinuloy ang ibang katanungan baka kasi hindi niya na masagot at lilipad ang perang napanalunan niya na 30k. Hindi na siya umabot sa jackpot round. Okey na rin naman yun na may nakuha na siyang malaking halaga. Sa mga susunod na episode ng Maritest segment ay magiging 75,000 na ang jackpot prize.
Ugaliin ninyong manood ng LOL at hindi lang sa kanilang Maritest segment kayo mag-i-enjoy. Lahat ng segment nila ay magaganda at talagang pinag-isipan.
Salamat kay Pao Mendoza, ang talent coordinator ng nasabing noontime show sa pag-imbita sa amin para maging bahagi ng Maritest segment ng LOL.
***
NAKATUTUWA naman si Heart Evangelista. Game na game kasi siya na inamin ang mga naging karanasan niya sa one-night stand
Napaamin ang aktres tungkol dito nang mapasabak siya sa Sagot O Lagot Challenge sa bago niyang YouTube vlog.
Isa nga sa mga naitanong sa nasabing game ay kung nagkaroon na siya ng one-night stand affair.
Nagpakatotoo naman ang aktres at sinabing kino-consider niyang One Night Stand ang nangyari sa kanila ng dati niyang dyowa. Pero hindi na niya binanggit ang identity nito o kung sino ang tinutukoy niya.
“I guess it was considered a one-night stand. Naging kami eventually. Lahat ng naka-one-night stand ko nagiging kami,” walang keber na sabi ni Heart.
Diretsahan ding inamin ni Heart na may pagkakataong pinakikialaman at binabasa niya ang mga message sa cellphone ng dati niyang mga dyowa.
Bukod dito, nag-yes din siya sa question kung nakipag-date na siya sa lalaking 10 years ang tanda sa kanya.
“Pinakasalan ko pa nga, eh,” sabi pa ni Heart.
Ang tinutukoy niya siyempre ay ang kanyang mister na si Chiz Escudero.