Advertisers
INAKSIYUNAN nitong Huwebes ng Korte Suprema ang petisyon na isinampa ng civic leaders para pawalang-bisa ang kandidatura ni President-elect Bongbong Marcos, Jr.
Inatasan ng Korte Suprema ang Comelec, si Marcos, Senado at House of Representatives na magkomento sa plea para baligtarin ang pagtanggi ng Comelec sa pagkansela sa Certificate of Candidacy (CoC) ni Marcos.
Gayunpaman, hindi nag-isyu ng injunction ang Korte Suprema. Dahil dito, sa 15 araw na binigay ng Korte Suprema sa respondents para sa komento, ang canvassing at proclamation sa nanalong presidente at bise presidente ay matutuloy sa sunod na linggo.