Advertisers

Advertisers

Comelec probe sa pumalpak na VCMs tuloy kahit tapos na ang proclamation

0 263

Advertisers

SINIGURO ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na tuloy pa rin ang pag-iimbestiga nila sa mga isyu ng mga nag-aberyang mga vote counting machines (VCMs) at iba pang report ng glitches noong nakaraang halalan.

Sinabi ito ni Pangarungan sa kabila ng tinapos na ng Comelec ang proklamasyon sa mga nanalong senador.

Kaugnay nito, ipinagmalaki rin ng Comelec chief na ang nakalipas na halalan ang maituturing na peaceful and honest elections.



Ipinangalandakan din ng Comelec chairman na ang May 9 election ang mas mapayapang halalan kumpara sa mga nakalipas na eleksiyon sa bansa.

Samantala, una nang nakapag-record ang Comelec ng 83.11 percent voter turnout noong halalan.
Ito ay katumbas ng 55,549,791 mula sa 66,839,976 registered local at overseas voters.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">