Advertisers

Advertisers

3 totoy tepok sa salpok

0 358

Advertisers

Binawian ng buhay ang tatlong binatilyo nang salpukin ng truck ang sinasakyan nilang motorsiklong nitong Linggo ng madaling araw sa Capiz.

Dead-on-spot ang mga biktima na pawang mga nasa edad 12 hanggang 13 at mga residente sa Barangay Janguslob, ng naturang bayan.

Hawak naman ng pulisya ang salarin at driver ng Isuzu truck na kinilalang si Jeonec Osoya, 33 anyos at residente ng Bago City, Negros Occidental.



Batay sa report ng Dumarao Municipal Police Station, 2:15 ng madaling araw naganap ang insidente sa national highway na sakop ng Brgy. Poblacion Ilaya, ng nasabing bayan.

Sa ulat, kapwa binabaybay ng mga biktima at salarin ang nasabing kalsada ng bigla na lamang lumiko pakaliwa ang motorsiklo .



Dahil mabilis ang takbo Osoya hindi na nito nailagan pa ang mga biktima at naaro niya ang mga ito na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban kay Osoya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">