Advertisers

Advertisers

Bgy. health worker ‘di nagbigay ng financial assistance, grinipuhan

0 200

Advertisers

Inoobserbahan ngayon sa ospital ang isang ginang na Barangay Health Worker (BHW) nang saksakin ng lalaking hindi naisama sa mga listahan ng benepisyaryo sa financial assistance para sa Bagyong Odette, Huwebes sa Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Elsa Claridad, 51 anyos; habang nadakip naman ang salarin na kinilalang si Pablito Morales Jr., 24, at kapwa residente ng Purok Lubi, Barangay Mambaroto ng naturang lungsod.

Sa report ng Sipalay City Police Station, 4:00 ng hapon naganap ang insidente sa Crossing Marabo, Barangay Mambaroto, Sipalay City.



Ayon kay P/Maj. James Latayon, hepe ng Sipalay City Police Station, nagalit ang salarin dahil ‘di naisama ang pangalan ng kanyang ama sa listahan ng mga partially damaged ang bahay sa nitong nagdaan bagyong Odette na makakatanggap ng financial assistance.

Dahil dito, inabangan ng salarin ang pag-uwi ng biktima at sinunggaban niya ito ng saksak sa katawan gamit ang screw driver.



Agad naman dinala sa pinaka-malapit na ospital ang biktima para lapatan ng lunas subali’t kalaunan inilipat din sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital para sa karampatang lunas.

Nadakip naman ang salarin ng mga rumespondeng pulis at nahaharap sa kasong frustrated murder sa Negros Occidental Provincial Prosecutor’s Office.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">