Advertisers

Advertisers

VOTER REGISTRATION BUBUKSAN ULI

0 308

Advertisers

BUBUKSAN uli ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa bansa sa buwan ng Hunyo o Hulyo.

“Sa darating na June or July, magsisimula muli ang ating registration of voters,” ayon kay Come-lec Commissioner George Garcia sa isang pulong balitaan nitong Lunes.

Pinayuhan din ni Garcia ang mga botanteng hindi pa rehistrado na abangan ang pagbubukas uli ng rehistruhan.



“Again, du’n sa mga hindi nakapag-rehistro ng kanilang registration, pinapaalala natin, abangan niyo po ‘yung continuing registration of voters natin na gagawin ngayong June or at least by first week of July ng taon na ito,” aniya pa.

Ito’y pagkatapos ng national at local elections sa bansa noong Mayo 9.



Ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay nakatakdang isagawa sa Disyembre 5, 2022. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">