Advertisers

Advertisers

2 TSERMAN NA KANDIDATO NI BBM, GINIBA ANG BGY. HALL SA MAYNILA

0 383

Advertisers

KINONDENA nina Chairman Aileen Rosales ng Brgy. 367, Zone 37; at Chairman Joey Uy Jamisola ng Brgy. 306, Zone 30, ng Distrito 3, at tumakbong konsehal sa Maynila sa ilalim ng UniTeam ni President-elect Ferdinand ‘BongBong’ Marco, Jr., ang ginawang paggiba ng demolition team ng Manila City Hall sa kanilang mga barangay hall, simula nitong Martes.

Ayon kay Jamisola at Rosales, binalikan pa nitong Miyerkules ng umaga ng mga tauhan ng demolisyon at pinagpatuloy ang paggiba sa kanilang barangay.

Nalulungkot sina Jamisola sa sinapit ng kanilang barangay, nang buweltahan sila ni Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna dahil naging landslide si BBM sa kanilang lugar.



Napag-alaman na noong nakalipas na linggo, nagpalabas ng Notice of Demolition ang Engineering office ng City hall, na nag-aatas na sa loob ng limang araw kailangan umanong bakantehin ang mga naturang barangay hall dahil sagabal umano ito sa trapiko at pedestrians.

Sinabi naman nila Rosales at Jamisola, na isang uri nang panggigipit ito ng kampo nina Isko at Lacuna.



“Malinaw na political harassment po itong ginagawa nila Isko Moreno nang matalo siya sa pagka-pangulo ng bansa lalo na dito po sa aming barangay,” pahayag ni Rosales.

Duda rin ang kampo nina Rosales at Jamisola na pinersonal sila ng kasalukuyang administrasyon sa Maynila dahil sa pagsasampa ng electoral protest ni Atty. Alex Lopez nitong Lunes na kilalang kapanalig ang dalawa laban kay Lacuna.



Kinuwestiyon ng dalawang kapitan kung bakit ngayon lang nasilip na sagabal ang kanilang barangay hall kung saan may apat na dekada na itong nakatayo at napapakinabangan ng kanilang mga constituents partikular na kay Jamisola na mayroong daycare center at tanggapan ng mga senior citizens.

Nagtataka rin sila Jamisola sa ginawang aksyon ng Manila cityhall, samantalang hindi naman maitatayo ang nasabing barangay hall kung hindi nabigyan ito ng permit sa kanilang tanggapan.

Dagdag pa ni Rosales, na huwag silang personalin ni Isko na pawang supporters ni BBM-Sara, sa halip sagasaan din ang iba pa kung sa tingin nilang talagang lumabag sa batas upang makitang patas sila sa kanilang panunungkulan.