Advertisers
Nananawagan ang mga vendors ng Divisoria Public Market, na huwag silang gipitin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila nang ipasara ang kani-kanilang mga stalls.
Ayon kay Emmanuel Plaza, chief Paralegal ng Divisoria cooperative, na tigilan na sana sila ng kasalukuyang administrasyong Moreno.
Aniya, maliit lamang ang kinikita nila sa kanilang mga paninda, inaagawan pa sila ng Local Gov’t Unit. (LGU).
Sinabi pa ni Plaza, na wala man lamang ibinigay sa kanila na ‘show cause order’ o hinayaan muna silang makapagpakita ng mga dokumentong kanilang mga hawak bago ipadlak ang kanilang mga tindahan.
Nalulungkot sila Plaza na si Mayor Isko Moreno pa naman ang pinagtitiwalaan ng mga Manilenyo pero siya ang nagpapahirap sa mga maralitang manininda.
Nakikiusap ang mga vendors ng Divisoria malls sa bagong Pangulo ng bansa Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na tulungan sila dahil masyado na silang pinopolitika ng administrasyong Moreno sa Maynila matapos hindi nila ito ibinoto nitong nagdaang eleksyon
“Tapos na po ang eleksyon, pero pinahihirapan pa po kami ni Mayor Isko,” wika ni Plaza.
“Sana po saklolohan kami ni BBM dahil marami pong umaasa at magugutom ang aming mga pamilya,” pagsusumamo ni Plaza.