Advertisers

Advertisers

EL PRESIDENTE ANG CHAIRMAN NG PSC?

0 250

Advertisers

KUNG kwalipikasyon,karanasan at dedikasyon ang pagbabatayan,swak na swak sa pagiging susunod na chairman ng Philippine Sports Commission ang kasalukuyang PSC commissioner na si Ramon ‘El Presidente’ Fernandez.

Si Comm. Mon na ka- teamwork ni Chairman William ‘Butch Ramirez at commissioners pang sina Charles Raymond Maxey,Arnold Agustin at Celia Kiram sa PSC Board na nombrado ni PRRD ay uminog halos buong buhay niya ang larangan ng sports magmula sa pagiging atleta bilang manlalaro ng basketball na nag-ambag na ng karangalan sa bansa bilang national cage player,pro – basketball superstar,legend at kalaunan ay naging lingkod- bayan bilang mataas na opisyal ng government sports agency na PSC.

Ang binansagang Mr. Elegant Shot at naging multi- MVP awardee sa PBA na si Fernandez ay kinakitaan ng kanyang dedikasyon para sa bansa at kalinga sa kapwa atleta, bilang sports official at napatunayan ito sa kanyang termino kung kaya ang anim na taon ay sadyang maigsi kaya kailangan pa itong lumawig sa pagpasok ng bagong administrasyong PBBM – VP Sara na malaon nang kasangga sa pambansang adbokasiya.



Kwalipikado siya bilang chairman ng naturang sports agency na clamor ng nakararami,sa senaryong magreretiro na sa public service ang itinuturing nang ‘da best chairman’ na si Butch Ramirez.

Kaya di na dapat lumayo pa ang tingin ni PBBM,abot-kamay n’yo lang si Comm Mon para iabot ang baton upang itimon ang tatahaking tagumpay pa ng Philippine sports sa dako pa roon…ABANGAN!



Lowcut: Tampok sa itinuturing na legasiya ng kasalukuyang PSC board ni chair Butch,Comm Mon,Maxey ,Arnold at Kiram katuwang din ang Philippine Olympic Committee sa liderato ni Bambol Tolentino sa giya naman ni Sen.Bong Go ang overall championship noong 30th SEAGames Ph 2019,siyempre ang best Olympic finish ever tampok ang historic first GOLD medal ni lady weightlifter Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics at ang impresibong kampanya ng Team Philippines sa nakaraang 31st SEAGames sa Vietnam kung saan ay Chef de Mission si Comm. Fernandez. MABUHAY!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">