Advertisers
MAG-MOVE ON na. Ito ang panawagan ng iba’t-ibang organisasyon sa mga nakatunggali ni Manila Mayor-elec Honey Lacuna sa halip na lumikha ng pagkakawatak-watak sa lungsod, gumawa ng walang basehang akusasyon at magpakalat ng kasinungalingan.
Ang mga grupo na binibuo ng mga kabataan at senior citizens na mayroong daan-daan libong miyembro na siyang tumulong upang manalo si Lacuna sa pagka-alkalde, ay nagsabi na na sa simula pa pa lamang ang Asenso Manileno team na pinangunahan ng ngqyon ay Mayor-Elect Honey Lacuna at Vice Mayor-Elect Yul Servo ay tanging walang ibang pinili ng mga Manileño para mamuno sa kanila sa loob ng siyam na taon.
Ang mga nasabing grupo na pinangungunahan ng My Honey Lacuna Movement at Followers of VM Honey Lacuna, ay nagsabi na tanging si Lacuna lamang ang may kakayahan na magpatakbo ng Lungsod ng Maynila, lalo na kung isasaalang-alang ang nagawa nito sa lungsod at sa mga residenta noong kasagsagan ng pandemya.
Binanggit din ng grupo ang mahalagang papel na ginampanan ni Lacuna sa tagumpay ng mga programa na isinagawa ng administrasyon ni Mayor Isko Moreno.
Bilang Vice Mayor, si Lacuna ay palagian ng pinupuro ni Moreno sa kanyang suporta at laging nasa kanyang tabi habang hinaharap ang mga suliraning dala ng pandemya.
Bilang isang doktor, si Lacuna ayon kay Moreno ay napakalaking tulong na magbigay ng kanyang kahusayan sa pagpili ng tamang equipments, medicines at pagpili ng tamang pagkilos bilang tugon sa pandemya.
Buong-buo na ibinigay din ni Lacuna anf kanyang suporta bilang Presiding Officer ng Manila City Council, na nagko-convene sa Konseho at ipinatatawwg ang mga Konsehal para tiyakin na mabilis na maipapasa ang mga ordinansa na kailangan upang magawa ng pamahalaang lungsod ang kinakailangang aksyon sa kinakaharap na problema.
Partikular na pinuri ni Moreno ang papel ni Lacuna sa approval ng social amelioration program na nagbibigay ng monthly allowances para sa mga sektor na labis na naapektuhan dahil sa pandemic. Ang mga sektor na ito ay ang mga senior citizens, solo parents, university students at (PWDs) persons with disability.
Sinabi pa ng mga organisasyon na batid ng mga residente ng Maynila na tanging si Lacuna lang sa lahat ng mga kandidato sa pagka-alakde ang maraming nagawa at nakatulong sa kanila sa panahon ng pandemya.
“We all went for Vice Mayor Honey Lacuna. Siyempre, dun kami sa may pruweba at tunay na kakayanan. Sana maging makatotohanan na lamang si Alex Lopez dahil ultimo sa sarili niyang distrito di siya nanalo nung tumakbo siyang Congressman,” ayon sa grupo.
Si Lacuna ay nakakuha ng 538,595 votes, habang si Lopez ay malayong pangalawa sa botong 166,908 votes. Ang boto ni Lacuna ay lamang ng 3781,687 boto kay Lopez.
Samantala, ang ikatlo naman na si Amado Bagatsing ay nakakuha ng 118,694 na boto. (ANDI GARCIA)