Advertisers
HINDI rin basta-basta malilimutan ng sambayanang Pilipino ang iniwanang legacy ng Duterte administration bago pa man matapos ang kanilang termino sa Hunyo 30, 2022.
Ang panahon ng Duterte administration ay masasabi nating isa sa pinakamahirap na sandali na hinawakan ng isang Presidente sa kanyang anim na taong termino.
Nandyan na ang daanan tayo ng malalakas na bagyo, mga lindol, pagputok ng bulkan at ang pinaka-masahol na sa lahat ay ang dalawang taong mahigit tayong nasa panahon ng pandemya dulot ng covid19.
Ganon pa man ay naitawid nila tayo sa ating kasalukuyang situwasyon na kung saan ay nasa alert level 1 na ang ating status at halos nasa new normal na tayo.
Ginapang din ng nasabing administrasyon ang lupit at hirap na dinanas natin sa salot na Covid-19 na kung saan libo-libong mga Pinoy ang binawian ng buhay, nawalan ng hanapbuhay at nagsakripisyo sa araw-araw na hirap sa loob ng mahigit dalawang taon.
Nandon na ang mga situwasyong naka lock-down ang buong bansa, nagsarado ang mga negosyo, nawalan ng trabaho mga mamamayan. Ito na rin ang pinakasandali na puro dilim ang ating namamasdan.
Ito na rin siguro ang pinakamahirap na parte na kung saan wala ng ibang inaasahan pang iba ang sambayanang Pilipino kundi ang gobyerno lalo na sa araw-araw nilang pagkain at gamot.
Hindi naman nabigo ang ating mga kababayan sa ginawang paraan ng ating gobyerno na kung saan lahat ng dapat gawin ay ginampanan upang mabigyan ng ayuda ang bawat pamilya panawid gutom man lang.
Hindi lang isa, dalawa o tatlong beses lang na nag-bigay ng ayuda ang dating administrasyon. Sa kabila ng lahat ay nai-raos nila ang pangangailangan ng mga Pinoy hanggang sa kasalukuyan.
Hindi natin alam kung saan sila kumuha ng kanilang pinamudmod. Hindi na rin mahalaga kung ito ay kanilang inutang o ninakaw dahil ang importante ay naigapang nila tayo hanggang sa sandaling mag-tatapos na ang kanilang termino.
Sa pagkakataong ito ay huwag na nating batikusin pa sila, huwag na nating hanapan pa sila ng butas sa ginawa nilang palakad bagkus ay dapat natin silang pasalamatan sa lahat-lahat dahil umabot tayo sa situwasyong halos malagpasan na natin ang pandemya.
Maliban dito ay pasalamat pa rin tayo sa kanila dahil sa kabi-kabilang unos na inabot ng ating bansa ay nakuha pa rin nilang gawin at tapusin ang maraming inpraktura tulad ng mga highway, mga tulay at kung ano-ano pa sa programa nilang build, build, build.
Ang mga ito ay nagawa nila sabay sa panahon ng pandemya. Ano pa nga ba ang dapat natin silipin at hanapin sa kanilang pagpupursige para sa kapakanan ng bansa.
Sa kasalukuyan nating situwasyon, mantakin niyong higit kumulang na sa 70 milyong Pilipino ang naturukan na ng bakuna at tinutuloy pa rin hanggang sa ngayon halos tatlong linggo na lang ang nalalabi bago matapos ang kanilang termino.
Ang mga halimbawang ito na kanilang ginawa at pinagsikapan ay hindi basta-basta mawawala sa ating isipan at damdamin at maging sa susunod pang mga henerasyon.
Hindi ito basta-basta makakalimutan at siguradong ta-tatak sa ating puso’t diwa. Ito ay mananatili pa rin sa mga susunod pang henerasyon na makakakita pa rin ng kanilang iniwanang legacy. MARAMING SALAMAT SA LAHAT AT MABUHAY KAYO!!!!