Advertisers

Advertisers

MAGIGING BANGUNGOT KAY BBM SI MARCOLETA?

0 385

Advertisers

HALOS buo na ang gabineteng magsisilbing katuwang ni INCOMING PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. pagsapit ng takdang araw na hudyat sa simula ng kanyang administrasyon.., na maging ang economic team ay buo na rin.

Subalit, kapuna-punang wala pang naaitatalaga para sa DEPARTMENT OF ENERGY (DOE).., na base sa paliwanag ni INCOMING EXECUTIVE SECRETARY VIC RODRIGUEZ ay kailangang maging maingat si MARCOS JR. sa pagtatalaga sa isa sa mga maituturing na pinakasensitibong kagawaran ng pamahalaan.

Sadyang mabigat ang deliberasyon kung sino sa apat na pangalan ang karapat-dapat italaga bilang SECRETARY ng DOE, kabilang ang tatlong rekomendado ng mga kaalyadong tila naniningil sa suportang ibinigay kay BBM.., na ngayon ay inirerekomenda ni FORMER PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO ang anak na si MIKEY ARROYO.., o di naman kaya’y si ENERGY REGULATORY COMMISSION CHIEF AGNES DEVANADERA.., na iginigiit naman ni OUTGOING ENERGY SECRETARY ALFONSO CUSI na ipalit sa kanya ay si SAGIP PARTYLIST RODANTE MARCOLETA.



Ang pang-apat na maaaring maipuwesto dahil sa taglay na EXPERTISE ay si ENERGY UNDERSECRETARY BENITO RANQUE.., yun nga lang ay wala itong matikas na padrino, maliban sa tinig ng mga pinakamalaking business at consumer groups na naniniwalang si RANQUE ang pinakaangkop sa puwesto.

Sa 4 na pangalan ay laglag na ang batang ARROYO at si DEVANADERA. ., ngayon naman sa pagitan nina RANQUE at MARCOLETA ay dehado ang una.., kasi nga ay walang padrino itong si RANQUE. Ang mayroon lang siya ay ang mga makabuluhang programang solusyon sa krisis sa enerhiya. Ito yaong mga makailang ulit niyang inilatag sa DOE pero sa kasamaang palad ay hindi pinakinggan ni CUSI.



Ano nga ba naman ang panama niya kay MARCOLETA na tumanyag sa pagptay ng mga prangkisa. Katunayan, taong 2021 nang sakyan ang isyu sa paraang paghahain ng mungkahi sa KAMARA para rebisahin ang prangkisa ng MERALCO na ayon sa kanya ay labis-labis kung maningil sa mga energy consumers.

Hayun.., pagkatapos katayin ang prangkisa ng ABS-CBN , e MERALCO naman pala ang sunod na pinupuntirya.



Bilang isang CONGRESSMAN ay mas angkop kung bumalangkas na lamang siya ng mga panukalang magtutuwid sa mga butas ng mga umiiral na batas kaysa balutin sa karimlan ang Metro Manila at mga karatig lalawigan.., yan ay ayon sa paliwanag ng mga HENYO.

Pwede rin naman siyang magkusang palo bilang kongresista, lalo pa’t isa naman pala siyang abogado. Bakit hindi niya kinasuhan ang mga oligarko sa likod ng Meralco? Sa obserbasyon nga ng mga HENYO ay pamamaraan umano nito para “paaamuhin” ang bagong may-ari ng dambuhalang kumpanya.., na ang
masaklap ay pati ang mga tanggapaan ng pamahalaan ay mapaparalisa raw sa sistema ni MARCOLETA.

Lubhang ikinababahala ngayon ng mga HENYO.., na magiging malaking BANGUNGOT daw sa BBM ADMINISTRATION kung si MARCOLETA ang mailalagay bilang DOE SECRETARY!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.