Advertisers

Advertisers

Brgy. Kagawad niratrat-patay sa harap ng barangay hall

0 289

Advertisers

Patay ang isang incumbent barangay kagawad na dating nanilbihan bilang three-term barangay chairman nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang armadong lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa kahabaan ng Sampaguita St., Barangay Magsaysay Sur, Nueva Ecija, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Brgy. Councilor Ronald “Onak” Castillo, 52, may-asawa, residente ng Anthurium St., Brgy. Magsaysay Sur.

Sa ulat, idineklarang ‘dead-on-arrival’ si Castillo sa Wesleyan University Hospital.



Ayon sa report, 7:50 ng gabi, habang nakatayo ang biktima sa tapat ng basketball covered court at barangay hall may kausap itong dalawang lalaking ka-barangay nito nang hindi magtagal may humintong naka-motorsiklong dalawang lalaki.

Mabilis umanong bumunot ng baril ang dalawang salarin at apat na putok ng short firearm ang umalingawngaw sa lugar kung saan agad tumumba ang biktima.



Walang nagawa ang dalawang ka-barangay ng biktima nang tutukan na sila ng baril ng isa pang salarin at makitang pagbabarilin ang kausap na biktima, na nagsilbing kapitan sa nabanggit na barangay mula 2007 hanggang 2018.

Hinihinalang mga professional hired killers ang dalawang salarin na kapwa naka-suot ng puting t-shirt at sakay ng hindi naplakahang motorsiklo, na tumakas patungo sa hilagang direksyon.



Ayon sa ulat, dalawang anggulo ang tinitignang motibo ngayon ng pulisya kaugnay sa pagkapaslang sa biktima, una ang politika at ikalawa ang pagsasabong nito.