Advertisers
Patay ang isang mekaniko nang mabangga ang van na kanyang inaayos sa Nueva Vizcaya nitong Sabado.
Ipinahayag ni chief investigator ng Kasibu Police na si Pol. Sr. MSgt. Prudencio Domingo na nasa ilalim ng van ang biktima nang biglang may bumangga ritong isang AUV sa Brgy. Binogawan, Kasibu.
Dahil sa malakas na pagkakasalpok, naipit ang mekaniko sa ilalim at natangay ng 3 metro.
Dinala agad sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Ayon sa imbestigasyon, nakaidlip ang nagmamaneho ng AUV. Nakasuhan naman na ito ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.