Advertisers

Advertisers

Yana Fuentes sunud-sunod ang projects sa AQ Prime

0 770

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

MASUWERTE ang newbie actress na si Yana Fuentes dahil sunud-sunod ang projects niya sa kanyang mother company, ang AQ Prime.
Kabilang sa mga pelikulang aabangan sa kanya sa bagong streaming app na AQ Prime Stream ay limang pelikula. Ito ang Anatomiya, Pula ang Kulay ng Gabi, Losers-1 Suckers-0, Peyri Teyl, at The Assassin.
Si Yana ay 23 years old, isang Pinay-Japanese na nagtapos ng kursong International Business Law sa Tokyo.
Aniya, “Ang father ko ay Japanese and doon kami lumipat ng pamilya ko noong 10 years old ako. Doon na rin ako nagtapos ng college sa isang prestigious university sa Tokyo. Ako ay nag-aral ng International Business Law doon. Kaya roon talaga po kami nakabase ng pamilya ko, kahit ngayon ay nandoon pa rin ang parents ko.”
Mula sa pagiging beauty queen sa Japan, napasabak siya sa pagiging aktres sa ‘Pinas.
“Dito sa AQ Prime pa lang ako nagka-movie kaya unang harap ko sa camera ay eto talaga. Magta-tatlong buwan pa lang ako rito sa Pinas at mga dalawang buwan pa lang din sa showbiz, kasi sa Japan ako ay isang beauty queen (Miss Universe Japan- 2nd runner up) at model.
“Sobrang nakaka-excite at nakakataba po ng puso dahil sa pag-welcome sa akin nina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Honey Quiño sa AQ Prime.”
Paano siya napasok sa AQ Prime? “Si Shido Roxas ang nag-introduce sa akin sa AQ Prime kasi dati ko pa siyang friend. Marunong rin kasi siya mag-Japanese kaya noong nakilala ko siya, naging friends kami agad.”
Nag-acting workshop ba siya?
Esplika ni Yana, “Actually wala pa po akong acting workshop noong nag-shoot ng Anatomiya at Pula Ang Kulay ng Gabi. Sina Direk Martin, Direk Jojo, at mga co-actors kong sina Shido Roxas, Teejay Marquez, at Aljur Abrenica ang nagbibigay sa akin ng mga advice at tips while shooting. Kaya sobrang lucky ko po dahil mababait ang mga nakatrabaho ko sa mga una kong pelikula.”
Nabanggit din ng magandang aktres na bata pa lang ay dream na talaga niyang makapasok sa showbiz.
“Bata pa lang ako gustong-gusto kong manood ng mga teleserye at movies, kaya naisip ko na yun since bata pa ako, pero nauna lang talaga ang pagiging beauty queen at model. Ngayon na nabigyan ako ng chance na maging aktres, natutuwa ako at hindi ko nafi-feel ang pagod, kasi gustong gusto ko ang trabaho na ginagawa ko,” masayang sambit pa ni Yana.