Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAPAPANUOD si Jo Berry sa fresh episode ng Magpakailanman sa Sabado, 8:15 pm, sa episode na pinamagatang Ang Dakila Kong Ama: The Dagul and Jkhriez Pastrana Story na sila ni Dagul ang mga pangunahing artista.
Ano ang papel niya sa Magpakailanman? Paano siya naka-relate sa role niya?
“Ang character ko po ay si Jkhriez ang bunsong anak ni Tito Romy (Dagul). Nakaka-relate po ako sa pagiging malapit niya sa papa niya kasi ako rin po ay very close sa papa ko.”
Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ni Jo kaysa karakter niyang si Jkhriez sa Magpakailanman?
“Pareho po kaming bunsong anak at nakamana ng dwarfism mula sa aming mga ama. Sa pagkakaiba naman po, much stronger yung personality ko than my character sa show.”
First time na nakatrabaho ni Jo si Dagul; kumusta ang una nilang pagkikita? Ano ang mga napag-usapan nila?
“Yes po first time kong makatrabaho si Tito Romy. Masaya po ako na makatrabaho siya kasi nakita ko po na hindi lang siya pang-comedy, kaya rin niya magdrama. Mabait din po siya sa akin pati yung mga anak niya. Nagpakuwento po ako sa kanya about sa naging career niya.”
Unang naging guest si Jo sa Magpakailanman o MPK noong 2016 bilang si Lorna Fernandez sa My Little Wife episode; kumusta maging guest sa Magpakailanman sa pangalawang pagkakataon?
“Very special po para sa akin ang guesting na ito kasi dito po ako na-discover. MPK po ang unang naniwala sa akin na kaya ko umarte, kaya napakasaya ko po na na-invite ulit akong mag guest sa show na ito.”
Makulay ang tunay na buhay ni Jo, papayag ba siya kung ipalalabas sa Magpakailanman ang kuwento ng buhay niya?
“Yes naman po, siguro pag tama na yung panahon at kaya ko na. He! he! he!”
***
TOLS BOYS KINUMPARA SA PALIBHASA LALAKI GUYS
IKINUKUMPARA ngayon sina Kelvin Miranda, Shaun Salvador at Abdul Raman kina Richard Gomez, Joey Marquez at John Estrada dahil ang upcoming sitcom nila na TOLS ay nahahawig sa sikat na sitcom nina Richard, Joey at John noon na Palibhasa Lalaki na umere mula 1987 hanggang 1998.
At dahil si Kelvin ang maituturing na leader ng kanilang trio, mas sa kanya ba ang pressure na mapantayan man lang nila, kung hindi man malampasan, ang Palibhasa Lalaki?
“Sa totoo lang ho, hindi talaga namin sinusubukang mapantayan yung Palibhasa Lalaki kasi ibang klase na yung nagawa nila, hall of famer na sila kumbaga.
“Kami ngayon ang pressure, nanggagaling yung pressure dun sa makagawa kami ng panibagong clamor mula sa mga manonood, kung paano nila magugustuhan yung TOLS o kung papaano nila mamahalin ang bawat isa na wala kaming nao-offend, wala kaming natatapakan na paniniwala ng kung sino man na manonood.
“Nag-iingat din naman kami bawat skit na ginagawa namin, may mga pagkokonsulta sa mga mas nakakaalam kung ginagawa, kung okay ba yung gagawin namin bago namin isalang sa eksena so… pressured talaga kasi first time e, first time namin talaga sumalang sa comedy kaya lahat ng chance na puwedeng matutunan naming kinukuha namin every taping day.”
Mapapanood ang TOLS simula June 25, 7:05 pm sa GTV na kasama rin sa cast sina Rufa Mae Quinto, Olive May, Arkin del Rosario, Raymund Mabute, Rolly Concepcion at Betong Sumaya.
Ang TOLS ay mula sa produksyon ng GTV (ng GMA Network), ng Tyronne Escalante Artist Management (TEAM) at ng Merlion Events Production, Inc.
Samantala, marami nang proyekto na nagawa si Kelvin sa GMA at ngayon nga ay sa GTV; ano na ang mga naipundar niya mula sa mga kinita niya sa pag-aartista?
“Para naman po sa pamilya. Para din sa branding ko, para sa sarili ko, hindi naman po para sa pansariling kagustuhan.
“So naniniwala po kasi ako na kahit ano’ng trabaho, gaano kalaki, kaliit yung income na nahahawakan natin once na hindi natin alam papaano hawakan e hindi rin natin makukuha kung ano man yung mga ginugusto o minimithi natin para sa mga pangarap natin.”
Isa sa mga naipundar na raw ni Kelvin ay sasakyan o kotse.