Advertisers

Advertisers

Judge sa ‘missing sabungeros’ case iniimbestigahan ng SC

0 20

Advertisers

Nakausap na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo hinggil sa posibleng mga miyembro sa hudikatura na kasabwat umano ng negosyanteng si Atong Ang na itinuturong mastermind sa missing sabungeros.



Ayon kay Remulla, tinalakay nila ng punong mahistrado ang konklusyon batay sa nakita at narinig nila mula sa mga ebidensyang hawak nila sa ngayon.

“It’s the certain behaviours we observed that seem inappropriate or harmful to the justice system,” ani Remulla.

Nabatid na dating judge ang isinasailalim na sa imbestiga-syon ng SC.

Sinabi ng kalihim na iba-ibang hukom ang iniimbistigahan ng Korte Suprema.

Agad aniyang kumilos ang Mataas na Hukuman dahil sa nai-nisin nito na maayos ang justice system at malinis ang kanilang hanay.

Samantala, patuloy parin ang case build-up ng DOJ matapos inguso ng whistleblower na si Julie Patidongan altas Totoy sina Ang at aktres na si Gretchen Barretto pati ang mga kasosyo nilang sina Engr Celso Salazar at Eric dela Rosa na may mga kinalaman umano sa krimen.