Advertisers

Advertisers

Lalaki nagpakamatay sa pananakot ng online lending app

0 78

Advertisers

Nakidalamhati ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pagkamatay ng isang lalaking residente ng Valenzuela City nang magpakamatay noong Hulyo 4, 2025, dahil sa matinding panggigipit at pang-aabuso mula sa isang Online Lending Application (OLA).

Batay sa paunang impormasyon, matagal nang tinatakot at ipinapahiya sa publiko ang biktima ng naturang OLA. Lumala umano ang emosyonal na kalagayan nito, nawalan ng trabaho, at nagkaroon pa ng problema sa pamilya, na posibleng nag-ambag sa kanyang desisyon na wakasan ang sariling buhay.

Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni PAOCC Undersecretary Gilberto DC Cruz na nakikiramay ang ahensya sa pamilya ng biktima.



“Lubos kaming nakikiramay sa pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa mapang-abusong online lending app. Napakasakit ng kanilang pinagdadaanan, at hindi ito kailanman dapat mangyari sa sinuman. Kaisa nila kami sa pagdadalamhati, at titiyakin naming makakamit nila ang hustisya,” aniya. (Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">