Advertisers
MAY katuparan ang bawat pangarap basta’t may kakayahan, disiplina, determinasyon at dedikasyon.
Walang nag-akalang ang kauna-unahan nating gintong makakamit sa Olympics para sa Pilipinas ay magmumula sa sport na weightlifting na di naman gaanong popular na larangan sa bansa.
Sa larangan naman ng combat sports ay nakarating na ng Olympics ang ating mga pambato sa judo karatedo,taekwondo at popular sa Pinoy na boxing.
Optimistiko si Kurash Sports Federation of the Phippines president Rolan Llamas na may malaking tsansa ang Pinoy kurash athletes na mapasabak sa Olympics sa hinaharap tulad ng judo at ilan pang combat sports basta sa tamang programa at suporta.
“ It’s a mission possible to reach there( Olympics).As KSFP head ,sisikapin kong mai- motivate ang ating mga atleta upang iangat ang level ng kanilang training para sa lahat ng pinaghahandaang kumpetisyon mula SEAGames Asian Games,Asian Indoor Games,World Beach Games hanggang Olympics.We can make it to the Olympics” optimistikong pahayag ni Llamas na ipinagmalaki rin ang tagumpay ng Ph Kurash athletes noong nakaraang Hanoi SEAGames.
“Our Kurash athletes can do it( Olympics) like our judokas.
Comprehensive program and grassroot and talent development ang kailangan and of course funding is the key kaya tulung- tulong lang simula sa hanay namin,from private sector and government side”, wika naman ni SKPF adviser Army BGen ( ret) Joel Joseph Cabides na sinegundahan ni adviser BGen William Esplana na kapwa naging miyembro ng national judo team noong kanilang prime. “Sa panig ko ay ipalalawig natin ang Kurash nationwide partikular sa Bicol Region”, ani Esplana.
Tiniyak naman ni KSFP VP Raymond Burgos ang kanyang pag- agapay sa bagong sport na Kurash sa Pilipinas sa aspeto ng pagpapalawig ng impormasyon partikular sa social media.” Kailangang makilala nang husto ang sport na ito ( kurash) sa bansa upang maengganyo ang lahat at masundan ang mga kaganapan nito magmula sa grassroot tungo sa elite level. Olympics is a long shot pero malay natin balang araw ay me Olympian na rin tayo sa kurash in the long run,” sambit ni Burgos na isang aikido martial art enthusiast at journalist par excellence.
“ Lahat ng komunikasyon mula training hanggang aktwal na kumpetisyon sa PH kurash ay babalikatin natin pati na ang pakikipag-ugnayan sa ibang federation kaya as secgen ay sikapin kong magammpanan ang iniatang na responsibilidad sa aking balikat ng KSFP para sa bayan,” saad ni secretary general Rommel Miranda.
“Let us support Kurash Sports Federation of the Philippines!” ,nagkakaisang sigaw nina coach/ educator/ director Al Rolan Llamas ,Referee Director Gilbert Ramirez at kurash lady international athlete medalist Estie Gay Liwanen sa idinaos na thanksgiving at victory get together sa Golden Bay Restaurant sa Pasay City kamakalawa. (Danny Simon)
)