Advertisers

Advertisers

DAR Sec. Cruz nais pamunuan ang Peace process office

0 186

Advertisers

UPANG magkaroon ng kapayapaan muling sinabi ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bernie Cruz na nais niyang pamunuan ang peace process office ng incoming administration.

Sa telephone interbyu sinabi ni Cruz na kung mabibigyan siya ng chance ni President Ferdinand Marcos Jr. tiniyak nito na makakatulong siya para sa peace process at gusto niyang pamunuan ito upang matapos na ang gulo.

Magtapos ang termino ni Cruz bilang DAR chief sa darating na Hunyo 30, ang huling araw rin ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.



“Nais kong pamunuan ang peace process at bilang dating miyembro ng makakaliwang grupo sa aking palagay malaki ang magiging impluwensya ko para isulong ang peace process at magkaroon na ng kapayapaan” ani Cruz.

Ayon pa kay Cruz na nais niyang pamunuan peace process upang magkaroon ng kapayapaan sa bansa.



Si Sec. Bernie Cruz ay nakilala dahil sa mga isinulong nitong proyekto sa kanayunan para sa pagpapalakas ng agrikultura ng bansa at mega farm.

Binigyan diin ni Cruz na ang mega farm ay pulutong ng mga magkakatabing sakahan na kinokonosolida upang makabuo ng isang plantasyon na may kakayahang makapag-ani ng maramihan.(Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">