Advertisers

Advertisers

PAG-UPO NI PBBM BILANG AGRI CHIEF, KINATUWA NI BRIONES

0 176

Advertisers

IKINATUWA ng ilang grupo ng mga magsasaka ang naging pahayag ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ito muna ang mamumuno sa Department of Agriculture (DA) para masolusyunan ang problema sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones, na natutuwa ito sa naging desisyon ni Marcos dahil ang susunod na presidente mismo ang makakakita sa problema ng bansa sa agrikultura.

“Makukuhang itama ni Marcos at makita nito na ang malaking problema sa pagkain at agrikultura,” pahayag ni Briones.



“Seryoso si President-elect Marcos Jr., na lutasin ang nakaambang krisis sa pagkain,” wika pa ni AGAP Partylist Rep. Briones.

Ayon pa kay Briones, tiyak na matatakot na at titigil ang mga smuggler at importasyon ng mga produktong agrikultura dahil mismong ang pangulo ng bansa ang mangangasiwa nito. At malamang hindi nila magagawang suhulan si PBBM.



Dagdag pa ni Briones, na malamang dadalo na ang mga sektor ng agrikultura kapag nagpatawag ng pulong si Marcos hindi tulad ng nakalipas na naging hepe ng DA na walang pagmamahal sa mga magsasaka at walang alam sa grounds.

Sinabi ni Briones na malaking tulong ito para sa micro, small, at medium-sized enterprises ang desisyon ni PBBM dahil maraming programa ang maipatutupad sa ilalim ng bagong administrasyon.



Dagdag pa ni Briones, na magiging tulong ito para masolusyunan ang nagpapatuloy na problema sa agri-fisheries sector na nakakaapekto sa presyo ng bilihin sa bansa.