Advertisers

Advertisers

Wanted na mag-utol arestado

0 244

Advertisers

MISAMIS OCCIDENTAL – Nagwakas din ang 18 taon pagtatago sa batas ng magkapatid na nasa most wanted list nang maaresto ang mga ito nitong Linggo sa probinsya ng Agusan del Sur.

Kinilala ni Brig. Gen. Romeo Caramat Jr., PRO-13 director, ang mga nadakip na sina Dionesio Tapayan, 54 anyos; at Reymundo Tapayan, 48, kapwa wanted sa kasong pagpatay sa Ozamiz City, Misamis Occidental.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong pagpatay na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 15 Ozamiz City, nadakip ang magkapatid Linggo ng hapon sa Brgy. Bayugan 3, Rosario, Agusan del Sur.



Sinabi ni Caramat na ang magkapatid na Tapayan ay nasa Number 1 at 2 most wanted persons sa Ozamiz City sa pagpatay isang lalaki noong October 3, 2004 sa Barangay Capucao Proper, Ozamiz City.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">