Advertisers

Advertisers

DI LAHAT NG APPOINTTEES NI PBBM,MATINONG TAO!

0 1,224

Advertisers

Hindi pa man nakakapanumpa sa kanyang inagurasyon bilang ika-17 Pangulo ng bansa si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., naindulto na agad at kinokondena ng ilang sektor ang isang appointee nito na nakakapagtakang naipalusot ng kung sinong Herodes na nasa inner circle ni PBBM.

Partikular na tinutukoy natin ay itong si Ginoong Christopher “Chet” Pastrana na hinirang bilang Port Manager ng Philippine Ports Authority (PPA).

Sa ating pong pagsasaliksik, nabatid nating itong si Mr. Pastrana ay Chairman at Presidente ng Archipelago Ferries Corporation na nag-o-operate FASTCAT ferries.



Siya rin po ang President and Chief Executive Officer (CEO) ng CAPP industries, isang supply and logistic conglomerate.

Para mahirang bilang general manager ng PPA o punung-tagapamahala ng mga puerto (sea ports) dito sa ating bansa, kinakailangang walang pag-aalinlangan at walang bahid ang integridad nang hahawak sa posisyong ito.



Sa kaso ni Mr. Pastrana, nagdudumilat po ang “conflict of interest” ng taong ito dahil sa negosyo di lamang ni Pastrana kundi ng kanyang pamilya.

Malamang sa hindi, itong si Pastrana ay isa sa malalapit na kaibigan ni incoming Department of Transportation Secretary Jaime Bautista na itinalaga ni President-elect Bongbong Marcos Jr.sa DOTr. kapalit ni Sec. Art Tugade.



Nabatid din natin base sa isang certification mula sa Philippine Ports Authority (PPA) mismo na ang kumpanya ni Ginoong Pastrana ay may mga kinakaharap na kaso sa nasabing tanggapan at may pagkakautang sa PPA na umaabot halos sa 9 na milyong piso.

Ayon pa sa ating mga sources sa kampo ni PBBM, nawindang ang Pangulong Bongbong Marcos nang mabatid nito ang indultong kinakasangkutan nitong si Pastrana.

Mabuti na lamang at may “check and balance mechanism” ang mga nakatalaga sa komite na itinatag ng Pangulong BBM na nagrerebisa sa mga Presidential appointees nito.

Speaking of conflict of interest at delicadeza, marapat lamang siguro na agad nang i-decline o wag tanggapin nitong si Pastrana ang nasabing appointment at manatili na lamang ito sa private sector.

Nakakatiyak tayong hindi magiging parehas ang pamamahala diyan sa PPA kung ipipilit na itong si Pastrana ang tatayong General Manager ng Philippine Ports Authority.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com