Advertisers

Advertisers

AJ fake newS ang pagbubuntis; Cong. Arjo 6 bills na agad ang naiHain sa Kongreso

0 198

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District ng QC,  ibinahagi ni Arjo Atayde sa pamamagitan ng kanyang Intagram account ang anim na mga panukalang batas na inihain niya sa kongreso.
Post ni Arjo,”Filed my first 6 bills in Congress and attended an alignment meeting with the mother of QC @mayorjoybelmonte . Thank you, once again, D1 QC for putting your faith and trust in me. Looking forward to serving you for the next 3 years. I promise that I won’t stop learning and I won’t stop working.”
Ang una sa anim na bills ay ang ang House Bill 457, na nais gawin ang Lungsod ng Quezon City na “the film & Television Arts Capital of the Philippines.”
Ikalawa ay ang House Bill 458, na naglalayong i-upgrade ang Quezon City General Hospital at gawing Quezon City General Hospital and Medical Center.
Ang pangatlo ay ang House Bill 459 na tinawag niyang “The Eddie Garcia Bill.”
Ang layunin nito ay mabigyan ng occupational safety and health standards for the workers and talents in the movie and television industry.
SI Eddie Garcia ay namayapang aktor, na sa pamamatigan ng bill na The Eddie Garcia Bill ay parang tribute  ni Arjo  sa beteranong aktor..
Pang-apat ay ang House Bill 460 o “Anti-SOGIE Discrimination Bill.”
Layunin nman ng panukala na maiwasan ang pambabastos sa lugar ng trabaho dahil lamang sa sexual orientation ng tao.
Panglima ay ang House Bill 461 o “BHW Allowance & Benefits Bill” na nagnanais na  magkaroon ng Magna Carta para sa mga Barangay Health Workers.
At ang pang-anim naman ay ang House Bill 462 na nais magtaguyod sa pagkakaroon ng Virology Institute ang bansa.
O di ba, bongga si Arjo, umpisa pa lang ng kanyang trabaho ay anim na bills na agad ang ipinasa niya sa kongreso na gusto niyang maging batas?
***
IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture niya na  nagpapakitang wala itong baby bump at flat ang kanyang tummy.
Ito ay para pabulaanan ang lumalabas na balita na buntis siya, na ang sinasabing ama ng batang nasa sinapupunan  niya ay ang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.
Pero bago pa man ang IG post na yun ni AJ, nauna na ring pabulaanan ng talent manager niya na si Jojo Veloso na buntis siya. Ayon dito, may ginagawang pelikula  ang kanyang alaga na Sitio Diablo mula sa Viva Films, na pinagbibidahan nila ni Kiko Estrada. Isa itong action film. So kung
buntis aniya si AJ, hindi nito magagawa ang kanyang action scenes.
So,ayan, sa mga nagsasabing buntis si AJ, siguro naman ay matitigil na ang fake news na ito sa kanya. Malabo naman talagang magpabuntis siya dahil alam niyang masisira ang kanyang career kung mangyayari yun. Isa pa naman siya ngayon sa pinakamaiinit na sexy star sa bansa.