Advertisers
TRENDING sa Twitter nitong Miyerkoles ang lalawigan ng Bulacan kaugnay sa sunod-sunod na pagkawala ng mga dalagita sa lalawigan.
Nitong Martes lang, natagpuan sa isang sapa ang bangkay ni Princess Dianne Dayor. Naiulat na nawawala si Dayor noong Hulyo 2 sa bayan ng Guiguinto.
Samantala, sa Facebook post ni Gil Delos Reyes, nawawala rin ang 17- anyos na si Kycee Reforsado, taga-Tuktukan, Guiguinto. Huli umanong nakita ito Hunyo 30.
Bukod dito, nawawala rin ang nagngangalang Shella Mae Galang De Guzman, 14, taga-Calumpit. Huling itong nakita Hulyo 4.
Sa Twitter, kabado ang mga Bulakenyo.
“To anyone living in Bulacan, esp girls, please be extra careful and wag muna gano lumabas bc may two na nawawala sa guiguinto, one was found dead sa tabi ng sapa ng tanang, and a new report of a missing 14 year old girl in calumpit,” saad ni @altheavictoria.
“For Bulacan peeps rn please don’t go out too much, especially without companions. It doesn’t harm to at least lie low with all the gala. There are a lots of reports now abt missing people, particularly females. So far, 3 incidents na ang narereport,” wika ni @jooeyakwistina.
“Living in bulacan with these missing issues oh gosh ang hirap maging babae,” amo @novyjolue.
Hustisya naman ang sigaw ng mga kapamilya ni Dayor.