Advertisers

Advertisers

45 na kasi at nag-eenjoy pa…Piolo binawi ang salita na magreretiro sa showbiz sa edad na 40

0 398

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

KUNG noon sa mga interview ni Piolo Pascual ay sinabi niya na magreretiro na siya sa showbiz sa edad na 40, ngayon ay  binabawi niya na ang sinabi niyang yun.
Wala na raw plano  ang aktor na iwan ang mundong ginagalawan niya.
Sinabi niya ito sa nakaraang presscon niya para sa bagong ad campaign ng Sun Life Philippines. Ipinaliwanag niya kung bakit siya nakapagbitiw noon ng mga salita  tungkol sa retirement.
Sabi ni Piolo,”Actually, I said that before I turned 40. I’m 45, and I was talking to Direk Cathy Garcia, we did a Kumuserye and she just signed with ABS-CBN for a couple of years,”
Pagpapatuloy niya,”I love what I do and being in this business gives me meaning so I guess I was being immature, feeling burnt out back then. You can call it a midlife crisis because you’re too loaded up with work.”
Ayon pa kay Piolo, talagang passion na niya ang pag-arte at pagpe-perform kaya mananatili siya sa entertainment industry hangga’t kaya pa niya at sinusuportahan pa siya ng publiko.
“I told her, ‘Direk, huwag na tayong magsasabi ng retirement kasi parang hindi rin naman natutuloy.’ For me, this is my passion.
“At this point in my life, I just wanna continue doing what I’m doing and this is something that I really appreciate, being in this business, being in front of you guys, and just sharing my life.
“As long as I feel that I’m needed in this business or there is something that I can contribute and I will stay on.”
***
NOONG June 11 ay pumirma ng kontrata ang gwapong aktor at influencer na si Mygz Molino sa TEAM (Tyronne Escalante Artist Management) in partnership with Merlion Events Production Inc. as a new venture to co-produced a new show with GMA Network. Limang taon ang kontratang pinirmahan niya rito.
Lalabas siya sa TOLS, ang fist family sitcom ng GTV.  Napapanood ito tuwing Sabado,7pm. May iba”t ibang guest dito tuwing Saturday, at isa na nga rito si Mygz.
Ang pangunahing bida sa Tols ay sina  Kelvin Miranda bilang si Uno, Shaun Salvador, bilang si  Dos at Abdul Raman sa papel na Third. Magkakapatid sila sa nasabing sitcom, at si Rufa Mae Quinto ang gumaganap na mommy nila sa papel na Mommy Barbie.
Kasama rin dito sina Betong Sumaya, Raymond Mabute, Olive May, Roland Inocencio at Arkin del Rosario.
Soon ay mapapanood si Mygz sa pelikulang 40 Days na pinagbibidahan ni Mayor  Ima Alegre, mula sa direksyon ni Neil Buboy Tan. May importanteng papel siya rito, na siguradong hahangaan ng mga manonood. Malit man kasi ang role niya ay nagampanan niya yun ng buong husay.
Di ba friend Glorietta Gerio?