Advertisers

Advertisers

Diego kabado na makasama ang erpat na si Cesar sa pelikula

0 342

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KAMAKAILAN lang ay itinalaga na ni President Bongbong Marcos ang seasoned actor na si Tirso Cruz lll o si Pip bilang bagong Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman kapalit ng super sipag na dating chairperson na si Liza Dino. Aminado ang partner ni Liza na si Ice Seguerra na nabigla siya nang nabalitaan na may kapalit na pala ang kanyang mahal sa puwesto. Kung matatandaan ilang araw bago i-anunsyo ang palitan ay abalang-abala pa sila ni Liza sa isang FDCP event, ang Pelikulaya.
Magkagayunpaman ay ipinahatid ni Ice ang kanyang malugod na pagbati kay Pip.
“Tito Pip, Congratulations on your appointment! You will soon be working with the most dedicated, passionate, and hardworking people in government,” pagbati ni Ice sa bagong CEO ng FDCP.
Naging emosyonal din ang singer nang ipaabot nito ang kanyang paghanga sa nagawa ni Liza bilang chairperson ng FDCP.
“We’re still processing things because we just found out through social media about Liza being replaced as FDCP Chair. Though her term is still good for another 3 years, we respect the decision of the President.
Pumasok si Liza sa trabaho na ‘to na halos walang naniniwala sa kakayanan niyang mamuno. ‘Sino ba siya at anong magagawa niya?’ ‘Mas marami namang karapatdapat, bakit siya yung nilagay diyan?
“As someone who has been in the sidelines as my wife’s cheerleader, shock absorber, assistant, and over-all supporter, I have witnessed many ups and downs during her term as Chairperson.
You have set the bar for what a government servant should be. You are irreplaceable,” dagdag na say pa ni Ice.
***
MUKHANG si Diego Loyzaga ang paboritong leading man ngayon sa Vivamax. Halos sunud-sunod ang pelikulang ginawa niya. Katatapos lang niyang gawin ang “How to Love Mr. Heartache” nila ni Sue Ramirez at nalalapit na rin ang pagpapalabas ng “Babaeng Nawawala sa Sarili” with Ayanna Misola sa July 15 on Vivamax, heto at ngaragan sila ng kanyang ama na si Cesar Montano para sa shooting ng biopic movie na “Maid in Malacanang”, na nakatalaga nang ipalabas ngayongJuly 20 in cinemas.
Si young President Bongbong Marcos ang role na gagampanan ni Diego, and knowing kung ilang milyon ang sumuporta kay PBBM ay ganun na lang ka-pressure ang young hunk actor na gampanan ang papel ng isang popular living president.
Ang nagpatindi pa ng pressure kay Diego ay ang katotohanan na first time niyang gumanap ng isang true to life character at kasalukuyang presidente pa ng Pilipinas.
“Siempre I have be on my toes and always give my best. And this is not for a small platform like streaming kasi the movie will be shown in theaters.
“Imagine, I will play our current president now. Kaya patong-patong ang pressure,” say ni Diego.
Maging sa kanyang co-actors sa naturang movie ay naging malaking challenge kay Diego lalo na sa amang si Cesar Montano na first time niya rin makakasama sa isang malaking pelikula ng taon.
“I’ve really been waiting for this moment and now, it’s happening, I finally get to work with my dad and it’s sobrang nakakakaba kasi we all know he has already won so many acting awards,” dagdag pang say ni Diego.