Advertisers
Inanunsyo ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC), kasama ang joint-venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA), na patuloy ang koordinasyon nito sa Toll Regulatory Board para sa pagbubukas ng CAVITEX C5 Link Flyover Extension (Segment 3A2: Merville to E. Rodriguez) ngayong Hulyo.
Papahabain ng 1.6-kilometro flyover extension ang 2.2-kilometrong operational segment ng CAVITEX C5 Link na makatutulong para mas mapagaan ang biyahe ng mga motorista papuntang Taguig mula Pasay, Paranaque, at vice versa.
Oras na mabuksan ito, ang Merville Entry/Exit ramps ay ililipat sa bagong segment o sa harap ng Shell C5 Southlink. Dagdag pa dito, bubuksan rin ang service tunnel road para panatilihing maayos ang daloy ng mga sasakyan mula sa West Service Road patungong Merville, Pasay at Paranaque.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy naman ang paglalagay ng mga traffic signages ng CIC, maging ang pagtatayo ng traffic signalization sa lugar para magbigay gabay sa mga motorista sa bagong ruta.
Samantala, puspusan pa rin ang toll road company sa konstruksyon ng CAVITEX C5 Link Segment 2 (CAVITEX hanggang Sucat Interchange). Sa pinaka bagong update ng CIC, umabot na sa 33% ang completion rate nito.
“Ang CAVITEX C5 Link ay may kabuuang haba na 7.7 km at kukonekta ito sa CAVITEX sa 2023. Mababawasan nito ang travel time ng mga motorista ng 30 hanggang 45 minuto mula CAVITEX patungong Makati, Taguig, Pasay, at vice versa. Bukod dito, matutulungan rin ng proyektong ito na mapaluwag at mabawasan ang mga bumabaybay sa mga major highways tulad ng EDSA, MIA Road, at iba pa at magbibigay benepisyo sa aabot ng 50,000 na motorista kada-araw,” ani CIC President and General Manager, Mr. Raul L. Ignacio.
Bilang paghahanda sa pagbubukas nito, patuloy ang paghikayat ng CIC sa mga motorista na gumamit ng Easytrip RFID para sa mas mabilis na biyahe.
“Patuloy po ang aming libreng RFID installation at reloading service sa customer service stations ng CAVITEX at CAVITEX C5 Link. Puwede rin silang mag reload at mag monitor ng traffic update gamit ang aming latest app na MPT DriveHub. Gamit ang app at ang kanilang RFID, maiiwasan nila ang mahabang pila sa cash lane at mapapabilis nito ang kanilang biyahe,” dagdag pa ni Ignacio.
Bukod sa CAVITEX at CAVITEX C5 Link, hawak rin ng MPTC ang concessions para sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road, at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.