Advertisers
Lima sa 16 na barangay chairman ng Paranaque City ang nag-anunsyo kahapon ng kanilang pag-urong ng suporta sa administrasyon ng bagong halal na Mayor Eric Olivarez.
Ang mga tumiwalag ng pag suporta kay Olivarez ay sina Baclaran barangay captain Julius Antony Zaide, Peter Augustine Velasco ng La Huerta, Johnny Co ng Sto. Nino.
Kasama din sila Christopher Aguilar ng Marcelo Green at John Paolo Marquez ng BF.
Si Aguilar ay kasalukuyang presidente ng Association of Barangay Captains at ang kanyang bise presidente ay si Co. Si Marquez naman ay anak ni dating Paranaque Mayor at actor Joey Marquez.
Ayon sa mga barangay captain, hindi nila nagustuhan ang pagsibak ni Olivarez sa halos 50 na empleyado ng city hall tulad ng mga department head, assistant department head, at mga career official ng walang kadihilanan.
Napag-alaman na tatlo na sa anim na department head na inalis sa kanilang pwesto ay naghain na ng reklamo sa Civil Service Commission noong nakaraang linggo.
Nauna rito, noong unang araw ng kanyang pag-upo ni Olivarez noong July 1, inanonsyo niya sa harap ng maraming tao ang pag lipat career official at mga department head sa ibang opisinang walang office order o memorandum man lang na ibinigay sa kanila.
“Kung kayang gawing ilagay sa floating status o i-demote ni Mayor Eric ang mga career official at department head, paano pa kaya ang mga pobreng casual at JO employee ng city hall?” tanong ni Aguilar.
Ani Aguilar, marami rin silang natanggap na mga reklamo mula sa mga dating staff ng dating department head na pina-alis nalang sa kanilang mga lamesa ng tao ni Olivarez at itinapon nalang kung saan-saang opisina.
“Hindi namin nagustohan itong mapang-aping administrasyon ni Mayor Eric. Trinato nila na parang hayop ang mga pobreng empleyado at itinapon lang sa isang kulungan na marumi at mabaho,” dagadag pa ng ABC president.
Ayon naman kay Co, walang pakundangan ang pagsibak ni Olivarez sa mga kawani ng munisipyo kung saan may hinaharap na food crisis, pandemya dahil sa COVID-19, at walang humpay na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Sabi ni Co, handa silang umanib sa mga opposition na miembro ng city council na sina Vice Mayor Joan Villafuerte (LP) at kina city councilor Brillante Inciong (District I, Aksyon) at Raffy de la Pena (District II, Ind.) Tinalo ni Villafuerte ang ka tandem ni Olivarez na si dating councilor Bingky Favis.
Dagdag pa ni Co, may apat pang kasalukuyang barangay chairman ang nag pahiwatig na pagsali sa kanila at sa opposition kung saan hinihintay nalang nila ang pormal na pag anunsiyo.