Advertisers
BAKIT kapag may krisis o kalamidad ay merong nakakaawa pero may mga natutuwa?
Ganyan sa bayan ni Juan na lagi na lang binibisita ng bagyo, tagtuyot, baha, peste, putok ng bulkan, atake ng mga rebelde at kung anu-ano pang sakuna na nagdudulot ng perwisyo at buwis-buhay sa mga biktima at apektado.
Pero sa kabila ng hinagpis ay may mga nagagalak sa nagaganap, iyong mga kumikislap ang bombilya sa ulo sa ideyang makikinabang siya sa mga sumisigaw ng ‘tabang’.
Pansariling bulsa at pulitikal, gagamitin ang masamang pangyayari para makayari ng pera mula naman sa mapepera.
Klasik dito ang gawain ng ilang institusyon na gagamitin ang kanilang foundation para mangalap ng donasyon kung saan ay milyon ang dumarating na pera at iba pa mula sa loob at labas ng bansa upang sa kanila ipadaan ang tulong.
Dahil sa kanilang network, madaling maipatunay sa tri-media na namahagi sila ng ayuda sa mga nasalanta daw pero mabibilang sa daliri ang lugar na pinamudmuran ng ‘tabang’. Wala namang batas para i-audit ang donasyon kung saan nagamit.
Bultu- bulto at limpak-limpak ang ayuda mula ibang bansa pero dahil dumaan pa ito sa mga switik pumitik, karampot at supot na lang ang natatanggap ng mga biktima ng salot.
Award-winning dito ay ang mga mahihilig umepal na lagi raw silang nauunang dumating sa lugar ng negatibong pangyayari upang dumamay sa mga tinamaan ng kalamidad at palitawing inutil ang pamahalaan para sila ang lekat na sikat.
Walang takot na Ipanghihingi rin ang nakakatakot na insidente ng donasyong sila lang ang hahakot ng ayuda para sa sariling bulsa at sikat pa sila dahil pinalilitaw pa na sila lang ang pag-asa kapag ang nature ang nanalasa.
Puhunang-pulitikal din dahil sa halip na ipamudmod ang ayuda ay ilalagay sa kanilang alkansiya para sa susunod na kampanya.
May propaganda pa ang mga magaganda sa panlavas na anyo na iaangat ang pamumuhay ng lahat pero sariling bangko ang iniaangat sa panghikayat ng financial aid in aid of donation.
Pero me katapusan din ang mga kabuktutan. Tri-media lang kasi noon. Ngayong may social media na,bistado na ang mga utak-donasyon.
Baka isang araw, sa halip na matutuwa sila sa na- monitor ng kanilang radar na may parating na sungit ng panahon dahil maliwanag na naman ang buhos ng ayuda, sa kanilang mga demonyo pala tatama ang delubyo at katastropiya. Sila naman ang ipanghihingi ng relief goods ng mga badz. Sabi nga ng masamang pahahon sa mga utak-donasyon, WEDER-WEDER lang… ABANGAN!
Lowcut: All the best kay upcoming basketball star Mur Prince Alao.From San Beda Red Cub ay isa na siyang DLSU Green Archer. Bright future ..ALAO’tomatic!