Advertisers
NAKATANGGAP ang Gilas Pilipinas men’s national basketball team ng magandang balita na ang kasalukuyang NCAA Most Valuable Player Rhenz Abando ay pinahintulutan ng FIBA na maglaro sa team sa unang pagkakataon, kapalit ng injured wingman Dwight Ramos.
Ang green light ay inilabas Lunes ng gabi sa ginanap na technical committee meeting.
Sa pagdating ni Abando ang Gilas ay nakumpleto ang 12-man roster kapag nakaharap ang Lebanon sa Miyerkules. Makakasama ni Abando ang talented backcourt na sina Kiefer Ravena,up-and coming guards SJ Belanguel,at RJ Abarrientos, pati na rin si Bobby Ray Parks at batang LeBron Lopez.
Ang front court ay binubou nina Cebuano Carl Tamayo,Will Navarro,Geo Chiu,Poy Erram at Kevin Quiambao.
Puntirya ng Gilas na magtapos sa top 2 sa Group D para makakuha ng ticket sa quarterfinals. Pagkatapos ng Lebanon, makakasagupa nila ang India sa Biyernes kasunod ang New Zealand sa Linggo.