Advertisers
PRAYORIDAD ng mga Filipino na ma-control ang inflation sa bansa batay sa pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia.
Ang survey ay ginawa mula Hunyo 24 hanggang 27.
Sa naturang survey, 57 porsyento ng mga Filipino ang umaasa na tutugunan o kokontrolin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inflation rate.
Batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 6.1 porsyento ang inflation ng bansa noong buwan ng Hunyo.
Bukod sa inflation, nais din ng mga Filipino na matugunan ni Marcos ang pagtataas ng sweldo, pagtugon sa kahirapan sa bansa at paglikha ng dagdag trabaho.