Advertisers

Advertisers

Balik-boksing?

0 321

Advertisers

Parehong ayaw nina Jinkee at Freddie Roach na muling sumampa pa sa ibabaw ng ring si Manny Pacquiao.

Dapat daw manatiling retirado ang pambansang kamao sabi ng asawa at trainer nito.

Wala na raw kailangan pang patunayan si MP eka ng mahusay na Kanong boxing coach.



Siyempre si Mrs Pacquiao mas gusto na ipreserba ang legacy ng 8-division world champion.

Ang barkada sa pondahan ni Aling Barang ay lahat sang-ayon sa nais ng dalawang malapit sa natalong presidentiable.



Tama sila. Mahirap nga naman at baka madisgrasya pa ang anak ni Aling Dionesia kahit exhibition match lang. Hindi na rin dapat madungisan pa ang record nito kung sakali.

***



Panalangin …para sa paggaling ng ina ni Norman Black. May malubhang karamdaman ang lola ni Aaron kaya nasa Estados Unidos ngayon ang mentor ng Meralco. Pangalawang pagbisita ng Mr 100% ng PBA sa USA ngayong taon sa kanyang mother.

Gayon din sa yumaong staff ng Alaska Aces na si Tom Urbano. Nagkaroon pa noong isang taon ng pagpupugay kay Mang Tom nang magretiro ang official scorer ng Alaska. Nagsimula siya bilang referee ng koponan. Nandoon na siya umpisa pa lang ng prangkisa at umabot ng ilang dekada doon. Nang makasabay ni Ka Berong ang team ng mga Uytengsu sa isang hotel sa Baguio noong 90s ay nakausap pa siya.

***

Totoo ba? Na si Bimby pa rin ang wallpaper pic ng cellphone ng ama na si James Yap maski hind sila nagkita lately?

Ayon sa ating source ay hindi inaalis sa screen saver ang photo ng binatilyo ng papa niyang bagong-halal na konsehal ng San Juan.

Na asawa ni Chito Loyzaga ang bagong talaga na Kalihim ng Dept of Environment and Natural Resources (DENR)?

Ito raw si Maria Antonia Yulo-Loyzaga.

Na sa susunod na conference ay lalaro na si Ray Parks Jr sa Barangay Ginebra kahit nasa TNT ang rights?

Paano kaya ito magagawan ng paraan?