Advertisers
Kakaibang dedication cake ang inihanda ng netizen na si Cecille Purog para sa kanyang kapatid na si Cybelle sa kaarawan nito.
Naghatid ng good vibes ang Facebook post ni Cecille kung saan tila nanenermon ang dedication sa birthday cake ng kanyang kapatid.
Ayon kay Cecille, wala pa raw silang sahod at enrollment pa sa eskuwelahan ng kanilang mga pamangkin nguni’t nag-request si Cybelle ng cake dahil ayaw naman daw nitong bilhan ang kanyang sarili.
Sinabi ni Cecille, na katuwaan lang ang dedication nila sa cake dahil nag-ambagan sila para ibili ng cake ang birthday girl.
“Nagpabili ka pa talaga ng cake Cybellle kita mo ngang wala pa kaming sweldo at enrollment pa ng mga pamangkin mo,” mababasa sa dedication cake.