Advertisers
Ginawa na lamang katatawanan ng mga netizen ang viral bawal itupi na bagong P1,000.
Humakot ng reaksyon ang FB post ni John Paul JG mula sa Apalit, Pampanga, kung saan inutusan siyang mamalengke ng nanay dala ang bagong isang libo.
Inilagay niya ito sa frame para hindi malukot.
“Mama: Nak Mamalengke ka na, ‘wag mo itupi ‘yung pera bawal daw.” pahayag ng ina ni John.
Naging masunurin naman si John at para hindi ito malukot o matupi iniligay niya sa frame na naging viral sa social media.