Advertisers
ARESTADO ang isang provincial jail guard sa drug buy-bust operation ng pulisya sa Sta. Cruz, Laguna.
Nadakip ng mga opderatiba ng Sta. Cruz Police bandang 5:35 ng hapon nitong Huwebes ang jail guard na si Eugene Bactad nang mapagbentahan niya ng P1,000 hakaga ng “shabu” ang ahente ng pulisya sa Barangay Bagumbayan, ulat ng Region 4-A PNP nitong Biyernes.
Si Baclad, ayon sa pulisya, ay nagtatrabaho guard ng Laguna provincial jail.
Nakunan si Bactad ng 3 plastic sachets ng shabu na may timbang na 10 grams na nagkakahalaga ng P68,000.
Nakakulong na si Bactad sa Sta. Cruz Police at nahaharap sa kasong pagkalag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.