Advertisers
ANG Philippine Sports Commission ay isa sa mga government agencies na wala pang na-appoint na chairman ni PBBM.
Bagama’t wala pang nanombrahang pinuno,nasa mabuting kamay naman ang ahensiya sa pangangasiwa ni OIC( Officer-in -Charge) Atty .Guillermo Iroy dahil sa batikan nitong management expertise bilang executive director ng ahensiyang pang-sports.
Sa tagal na niya sa PSC at ilang chairman na ang nagdaan ay kabisado na ni Atty. Iroy ang mga programang dapat na ipagpatuloy at ipatupad para sa kapakanan ng ating pambansang atleta na nakag-aalay naman ng karangalan sa bansa.
Subok na lider,tapat sa nasasakupan ng kanyang responsibilidad para sa bayan,walang bahid,firm sa maseselang desisyon,kaibigan ng lahat partikular ng mga kawani,NSA’s,NOC family,coaches ,atleta at iba pa pero galit sa mga palusot at kurakot mentality.
Kaya nga very effective E.D. si Atorni lalo pa kung magiging chairman siya na marapat lamang.
Di na kailangan lumayo pa ng tingin si Pangulong Bongbong upang maghanap ng itatalaga sa Commission dahil nasa tungki ng kanyang ilong ang very qualified sa position.
Di na niya need na tunghayan ang listahan ng mga wannabees para chairman o makinig ng bulong o endorso ng malalapit kay PBBM upang ipagpilitan i-appoint ang kani-kanilang manok para PSC chairman.
Ang korner na ito mismo ay tahasang ineendorso bilang PSC chairman si Atty. Guillermo Iroy .Di natin sinasabing di puwede ang iba pero pinaka-kwalipikado siyang pamunuan ang Philippine Sports Commission Mr.President Apo Bongbong Marcos, Atty.Iroy is just a message away to chairmanship…..
ABANGAN!Lowcut:Special greetings sa friends ng Uppecut diyan sa Mabalacat. Kung nais mag-relaks sfter ng mga stressful na gawain,sadyain ang sikat na FIX & RELAX Salon ni beauty and fitness expert na si Ms Debbie Basa diyan sa Madapdap, Mabalacat,Pampanga( along McArthur Highway).Fix and Relax Salon..TARA NA kabalen para magpalagu,magpalako stress,magpasikan at magpasanting 7 days a week!